Khiane Courtney's POV
"You'll be living with me from now on."
Para akong na-glue sa higaan dahil sa sinabi ni Miss. I was just resting and then she said that!
"What do you mean I'm living with you, Ma'am?" I asked, trying to hear it right.
"Alin doon ang hindi mo naintindihan?" Natigalgal ako. Bukod sa ma-otoridad ang boses niya at tinataasan niya ako ng kilay, ngayon ko lang ulit siya narinig na mag-salita ng tagalog.
"H-hindi po pwede iyon," tanggi ko. "I have my own home."
"Own home, yeah?" Parang nang-aasar na sabi niya, bahagya pa siyang natawa like what I said was something entertaining. "The home where they let you have these bruises? Can you still call it a home?"
"Pero, Miss..."
"Don't worry about your things. We'll go shopping, but first, you have to rest." Itinura niya ang unan sa likod ko kaya inayos ko 'yon. "Pagalingin muna natin ang mga pasa mo."
"Hahanapin ako sa bahay..." Bulong ko.
"Nah-uh," she shook her head. "I heard your father's on a business trip?" Nagkaroon siya ng mapaglarong ngiti sa labi.
"He is," I answered. "Pero si Ate Ana, Miss..."
"I'll take care of that, and you, rest." Tinalikuran niya ako saka siya lumabas ng kwarto.
Malaki ang kwarto na pinagse-stayan ko. I once asked Miss Aly where am I, sabi niya sa condo niya raw. Iba pa ito sa bahay niya noong nagkasakit siya.
Ang dami niyang property, that's for sure.
I tried using my phone but Miss Aly confiscated it. Sabi niya bawal muna unless gumaling ako. Hay! Ang boring!
Feeling ko ang tamad ko na kasi puro ako higa at tulog. Ubos na nga ata ang panaginip ko kakatulog.
Sa sobrang bored ko, hindi na ako nakatulog. Ang ingay ng mga boses sa utak ko!
Dahil ilang araw na rin naman ang lumipas, kaya ko nang gumalaw-galaw, ayaw lang talaga akong papasukin pa muna ni Miss Aly dahil hindi pa raw magaling.
Lumabas ako sa kwarto, doon ko naman siya nakitang naka-harap sa laptop niya sa dining. Ilang araw ko na siyang nakikita na naka-harap sa laptop niya, busy siya.
Hindi na rin ako nag-reklamo sa sinabi niyang humingi raw ako ng pera sa kaniya. May pera naman ako... hindi ko kailangan ng tulong ng kahit sino dahil kaya ko naman.
Kaso ayoko rin namang bumagsak. Ayokong saktan ulit ni Dad. Baka mapatay na ako no'n kung babagsak pa ako.
"I told you to rest, didn't I?" Sabi sa akin ni Miss Aly nang makita niya akong palapit sa kaniya.
"Boring po doon," I pouted. "Hayaan mo na kasi akong mag-phone, Miss."
Tumabi ako sa kaniya, maingat pa dahil baka magalaw ko ang laptop niya.
She eyed me but later on shook her head, disagreeing. "You are not going to use your phone until I say so." She strictly said.
"Why?" I asked.
"Just because, Adelstein."
"Stop, Miss," I said. "Stop calling me with my last name, please?"
Tinignan naman niya ako na parang nagtataka.
"What do you want me to call you, then?" She questioned, not looking at me. Mabilis siyang nagtitipa sa laptop niya.
"Up to you,"
BINABASA MO ANG
Beneath Those Glasses
RomanceGxG | ProfxStudent | Stand Alone (Estrella University Series #1) Khiane Courtney, or who they call KC, was studying not so peacefully at Estrella University. She was a BS Nursing student who aims to be the best, more like, the bestest. Khiane wears...