Chapter 26

9.1K 351 202
                                    

Khiane Courtney's POV

Ngayon na uuwi si Aly!

She was busy all day. Noong nasa Bataan at Pangasinan siya ay hindi gano'n kahaba ang pag-uusap namin. It is either she has a meeting, or she has something to do.

Minsan naman ay ako ang hindi niya naaabutan dahil nasa klase ako, o kaya naman nasa library. Kung wala sa dalawang 'yon ay nag-aaral ako para sa finals pagkatapos ay matutulog kapag napagod.

I have been dealing with Dad for the past days that he was here. Madalas ay nananahimik siya, na siyang ikinatutuwa ko, ngunit lamang pa rin kapag nag-aaway kami.

Our house never went quiet.

Sa tuwing ganoon ay gusto ko na lang na tawagan si Aly para mag-sumbong o mag-kwento sa kung anong nangyari sa araw ko, pero hindi ko itinutuloy. Mas gugustuhin ko na lang na makinig sa kung anong nangyari sa araw niya.

Pero lahat nang iyon ay hindi nangyari dahil palagi siyang busy. Naiintindihan ko naman iyon. Nagpapadala siya ng mensahe kapag kaya niya. Sabi ko naman sa kaniya ay mag-pahinga na lang siya,

Kung may pagkakataon mang matatawagan ko siya, iyon ay sa tuwing matutulog na kaming dalawa. Mag-uusap nang kaunti tapos maya-maya ay tatahimik sa linya niya. Nagtataka pa ako noong una hanggang sa narealize kong naka-tulog na pala siya.

Ako na lang ang nag-bababa ng tawag kapag gano'n.

Ang isang araw sanang alis niya ay naging isang linggo. It waa that long kaya hindi ko mapigilang mamiss siya. Namimiss ko ang presensya niya sa school. Nalaman ko na lahat-lahat na nakapanganak na si Miss Mia ay hindi pa rin siya nakaka-uwi.

Ngayon nga ay nasa office kami ni Miss Lia, kami nina Ash, Addy, Miss Amaranth, at Miss Yna. Miss Dyanne was nowhere to be found, kaya siguro panay tingin sa phone si Ash para tignan kung may mensahe na ba ang propesora.

Si Rae naman ay hindi ko alam kung nasaan. Naging persistent ang hindi niya pagkausap sa akin na siyang ikinalungkot ko.

Every time I plan to talk to her, doon naman siya umiiwas. Ramdam kong nararamdaman ni Ash ang pag-iwas ni Rae, na maski siya ay nag-taka na.

Si Miss Yna ay naging matamlay matapos maka-alis ni Miss Aly, hindi ko alam kung dahil ba iyon sa pag-layo sa kaniya ni Rae na siyang gawain ni Rae noon pa man.

Dahil sabi nga ni Rae, hindi niya gusto ang propesora.

Hindi ko alam kung anong namamagitan sa kanilang dalawa pero ako ang nasasaktan para kay Miss Yna.

Rheallyn Ann Marshall is a good person. Sabi ng mga tinuturuan niya ay magaling itong mag-turo at hindi nagbibigay ng mabigat na activity at projects. Miss Yna has always been approachable, reason why it was never hard for me to be close to her.

Thinking of what will her reaction be if... Rae would reject her...

Ramdam naming nakapaligid sa kaniya na gusto niya ang kaibigan ko, pero hindi kami nangingielam. We don't have any say on that.

Sadyang hindi ko lang maiwasang malungkot kapag iniiwasan ni Rae si Miss Yna. Nakikita ko kung paanong ang malawak na ngiti ni Miss Yna ay nawawala.

"Mamaya na ang uwi ni Aly. Should we pick her up?" Tanong ni Miss Lia habang may mga papers na pinipirmahan.

Tumingin ako sa kaniya. I was looking at my phone, waiting for Aly's updates. Until now ay wala pa rin. Hindi ko na muna siya kinulit dahil paniguradong nagmamaneho iyon. Ayoko namang mapahamak siya.

"Uh, hindi na po, Miss Lia. Baka gabihin po kasi siya, ako na lang po ang hihintay sa kaniya. May napag-usapan naman na po kaming dalawa." I answered.

"Gano'n ba? Kung makakauwi siya ng gabi, you should have someone to wait with you. Baka anong mangyari sa'yo sa labas ng school. We don't really know kung ano ang mangyayari." Puno ng pag-aalalang ani Miss Lia.

Beneath Those GlassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon