Chapter 18

9.8K 344 73
                                    

Khiane Courtney's POV

"Ay, putangina, buhay ka pa pala?" Hinampas ako ni Adelaida nang makatapak ako sa loob ng classroom.

Sabay nga kaming pumasok ni Miss Aly papunta rito sa University. Binaba niya lang ako sa waiting shed para raw hindi makahalata ang iba na magkasama kami.

Hindi nga ako pinayagan ni Miss na contact-in sina Rae dahil siya na raw ang bahala doon. Halos dalawang linggo nga akong absent dahil pinapagaling pa namin ang lahat ng sugat at pasa sa katawan ko.

Pero sa loob ng dalawang linggo na 'yon ay hindi nag-kulang si Miss Aly para ibigay sa akin ang mga copy ng lesson na nakaligtaan ko.

Naka-habol naman ako kahit papaano. Ang pangit tuloy ng February ko. Kung hindi ako nakahilata para mag-pahinga, para naman akong homeschooled.

Malapit na rin ang quiz bee kaya naman kapag may oras kami ni Miss ay nagrereview kami. Madalas nga lang na naiinis siya sa akin dahil nakatitig lang daw ako sa labi niya at hindi sa kaniya.

Ba't kasalanan ko? Parang kasalanan ko?

Si Ate Ana ay pabalik-balik lang sa condo ni Miss dahil binabantayan niya ang bahay. Siya kasi ang mayordoma doon. Miss Aly hired Ate Ana for me.

"Alive and kicking." I smirked at Addy before entering. Kita ko nga ang gulat kina Ash at Rae nang makita ako ng mga ito.

The moment I put my bag down, mabilis silang nagtatatakbo papunta sa akin. Kinayog lang naman ako.

Awit.

"Tangina ka! Lakas ng loob mong mag-beach ng dalawang linggo habang kami nababaliw?!' reklamo ni Ash nang maka-hinga na sila.

Hiningal siya, ih.

Pero, ano raw? Beach? Sinong nag-beach?

"U-uhm," I almost pinched myself because I stuttered. "Nagkaro'n ng plans bigla si Dad. Natuwa siguro sa grades ko." I faked a smile.

"Gano'n pala ang emergency sa'yo, 'no? Emergency packing ng mga gamit," natawa si Ash. "Packing shet."

"Yeah," I let out a soft chuckle. "Bigla kasing nag-book ng plane tickets papuntang Boracay, e."

"Buti 'di ka nangitim?" Tanong ni Addy.

"'Di naman. I used sunscreen." I lied. I chuckled when I heard Addy say sana all. Inobserbahan ko pa silang lahat kung may naghihinala ba.

Mukhang wala naman. Hay, okay na ang beach na palusot ko kesa malaman nila ang totoong nangyari. Lalo na kapag si Rae pa ang naka-alam.

Tahimik lang si Rae na naka-tingin at nakikinig sa akin.

Tahimik lang 'yan si Rae but Ash and I knows how powerful their family is. Mayroon silang Law Firm na kalaban ng Law Firm ng mga Estrella.

If Estrella's Law Firm are number one, Ventura's Law Firm are at number two. Parehas na malakas ang koneksyon ng dalawa. Ano pa kaya kung nag-sama?

Ngayon pa nga lang na si Miss Aly ang nakakaalam tungkol sa nangyari sa akin ay kinakabahan na ako. Hindi ko man sabihin ay alam kong alam niya na nagsisinungaling ako tungkol sa trabaho ko.

Sa yaman ni Miss, I'm sure hindi siya nag-dalawang isip na pa-embestigahan ang nangyari sa akin. Lalo na't nandiyan si Ate Ana.

As far as I've known, si Miss Aly ang pinakamatanda sa magkakapatid, which means, she's the heiress.

Her Mom, Mrs. Estrella, is an heiress of a real estate. If ever, Miss Aly would inherit that, making her an heiress of a Law Firm, a Real Estate, and a clothing line.

Beneath Those GlassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon