Chapter 27

8.7K 327 116
                                    

Khiane Courtney's POV

Umiling-iling ako. I looked at Miss Aly, asking for help. Alam kong alam niyang hindi ko kayang gawin iyon!

She witnessed how I studied for finals! She knew I didn't have enough sleep because I have been studying!

I don't... I don't understand... bakit sila disappointed sa akin? Bakit gano'n ang mga tingin nila sa akin?

Una ang hindi pag-update sa akin ni Miss Aly, si Sebastian, si Ash... tapos heto na naman. Hindi pa man ako tapos sa isang problema ay meron na naman?

How... just how could I save myself from drowning if they keep on pulling me back to the depth of water?

"S-sir, hindi ko po kayang gawin ang sinasabi n-n'yo," suminghot ako. "I am a Dean's Lister for about five times in a row ever since I studied here! I have always been a top student! Bakit ako gagawa ng bagay na ikasisira ko?"

"You are under investigation, Miss Adelstein," lumingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon. My heart fell seeing Miss Aly doing nothing. She was just staring at me blankly. "You are under investigation unless you are proven as innocent."

"M-Ma'am," nanginig ang boses ko nang tawagin ko siya. Dapat siya ang kasama ko ngayon, e. Dapat tinutulungan niya ako kasi sa lahat ng tao, siya ang mas nakakaalam sa mga nangyayari sa buhay ko.

"KC..." naramdaman ko ang hawak ni Addy at Miley sa balikat ko mula sa likod.

"Please, Sir, Dean," Nagmamakaawang tumingin ako kay Uncle at kay Mr. Estrella. "I did nothing, please..."

"You are going to be under the SSG's hands unless you have a solid evidence to support yourself." Said by Uncle. "If you haven't proved yourself yet as innocent, maaaring matanggal ka sa kursong ito."

Natigalgal ako.

Matatanggal... sa kursong ito?

Putangina.

Isang taon na lang ay papasok na ako sa med school! Ano'ng ginawa ko para parusahan ako nang ganito?! Pagod na pagod na ako! 'Yong mga taong akala kong tutulong sa akin, tinalikuran ako!

Akala ko... akala ko sasamahan nila ako, e... pero nagkamali ako. I've always thought about me sailing together with Miss Aly through the crests... turns out she'll leave me drowning and will sail all by herself.

Gusto kong matawa. Anim na buwan? Anim na buwan na magkasama kami pero sa isang putanginang problema na hindi ko alam kung bakit ako ang pinagbibintangan, bumitaw na agad siya sa akin!

I'm losing everything I have! Si Aly, disappointed sa akin. Si Uncle, hindi naniniwala sa akin. Si Ash... si Ash may sinisikreto, at si Rae, she's probably mad at me for digging something from the past.

Tapos... si Dad.

He'll kill me. I swear. That is for sure. Ngayong maaaring mangyari iyon... sino na lang ang gagamot at liligtas sa akin? Walang... walang Miss Aly na makikita akong nanghihina sa daan. Walang Miss Aly na papagalitan ako. Walang Miss Aly na gagamot sa sarili ko.

I'm all by myself. Again.

Parang alam ko na agad ang mangyayari sakaling malaman ito ni Daddy. Itatakwil niya ako! Pagbubuhatan na naman niya ako ng kamay! He told me to study well dahil hinayaan niya akong kunin ang kursong gusto ko, pero ngayon, hindi ko na alam!

Unti-unti na silang nawawala sa pagkakahawak ko...

Paano na lang ako ngayon?

Sino na lang ang kasama ko? Sino na lang ang kasangga ko.

Beneath Those GlassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon