Chapter 33 (Part 2)

12.3K 390 42
                                    

Khiane Courtney's POV

"Sinong bias mo sa Wonder Pets? Ay, akin si Ming-ming, ha? 'Wag mo aagawin, patuka kita ro'n, eh."

Mahabang sambit ko kay Alyona Desteen habang nasa loob kami ng elevator. Tinignan naman niya ako na parang ako na ang pinaka-weird na tao na nakita n'ya.

Asus, akala mo naman 'di ako hinalika-

Alam mo, feeling ko kulang talaga ako sa tulog, eh.

"You know what? Stop being weird and start calling for help instead. We've been stuck in this elevator for like fifteen minutes. Can't we really press that emergency button?" Sunod-sunod na litanya n'ya.

I pursed my lips and shook my head while staring at her. "'Di pwede,"

"What's the point of calling it an emergency button if we couldn't press it in case of emergency, Courtney?" Kung kanina ay panay ang malambing na ngiti niya sa akin, ngayon naman ay sinusungitan niya ako.

"Kapag pinindot mo 'yan, may maghihirap na animal tapos lalabas ang Wonder Pets." I joked, trying to make her laugh dahil sa totoo lang ay ang sama-sama na ng tingin n'ya sa 'kin.

Mama...

Ang sama kung maka-tingin! Nililibang ko na nga siya diyan, eh. Tama ang sinabi n'ya. Pagkatapos namin kumain kanina ay nag-lakad-lakad lang kami bago ko napag-pasyahan na bumalik na ng building para makapag-pahinga siya.

Kanina ko pa kasi napapansin ang pahilot-hilot n'ya sa paa niya, nangangalay na sa suot na heels. Sino ba kasi may sabing mag-heels siya diyan?

Kaya naman, niyaya ko na siya pabalik. Nang makapasok kami sa elevator ay bigla na lang itong tumigil, at heto nga, stuck kami.

Tumigil sa kalagitnaan ng floor, pero mabuti na lang at 'di namatay ang ilaw.

Pwede naman akong tumawag ng security, eh. Pwede rin naming pindutin 'yong emergency button, ayoko lang.

I want to spend more time with her.

"I am not trying to kid around, Courtney." I could hear the exhaustion in her voice. She later on sighed and moved her foot in a circular motion.

Ako ang nahihirapan sa kaniya, e...

"Hay nako," reklamo ko. I removed my coat and placed it on the floor. Una akong umupo bago ko hinila ang kamay niya para sabihing umupo rin siya.

Sinunod niya naman ang gusto kong sabihin. Sumandal ito sa gilid ng elevator. Akma pang mag-i-indian sit pero pinigilan ko siya.

"Give me your foot," I asked, bahagyang kumunot ang noo niya roon. "Akin na, dali. Hihilutin ko para sa 'yo."

She looked at me with hesitation pero pinilit ko lang siya. Dahan-dahan kong inalis ang heels n'ya at doon, nakita kong namumula na 'yong sakong niya.

Sanay ang babae sa heels pero dahil napatagal ang paglilibot at pag-lakad namin, namula na 'yong heel part ng paa niya.

"You don't need to do this, you know..." aniya pa sa mahinang boses.

"I want to," sagot ko. "You should tell me if something hurts next time. Hindi naman ako manghuhula, Alyona."

"It's nothing-"

"Of course not," sinimulan kong hilutin ang paa n'ya. Mukhang hindi pa siya handa doon kaya bigla pa siyang nagulat at napa-talon to the point na napahawak ito sa kamay kong humihilot sa kaniya. "Your whole being is precious—kahit ang paa mo, ang ganda-ganda."

I giggled.

"Kung ngayon pa lang, hindi ka na nagsasabi sa kung anong masakit sa 'yo, ano pa kaya noong nasa New York ka at wala ako—kami sa tabi mo, 'no?"

Beneath Those GlassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon