Chapter 13

10.9K 379 68
                                    

Khiane Courtney's POV

"Movie na, ah, walang titili, sinasabi ko sa inyo," banta ni Rae habang nag-hahanap sila ni Miley ng movie sa internet.

Today is Thursday, pagkatapos ngang i-tanong ni Ash kung ano'ng nangyari sa salamin ko, ay sinabi kong accidentally kong nahulog kaya nabasag. Hindi naman na siya nag-tanong at mukhang naniwala naman sila.

Lahat kami ay nasa condo niya, maski si Addy at si Miley. Sabi kasi nila, the more the merrier. After class nga ay dito na kami dumiretso. Dapat ay sa bahay namin pero umayaw ako.

Tinatamad ako mag-ligpit, duh. 'Tsaka, ubos na ang stocks ng snacks ko. Hindi pa ako nakakapag-grocery ulit dahil naka-budget ang pera ko.

Si Dad naman ang nagpapasweldo kila Ate Ana. Si Dad din ang nagbibigay ng pang-stock sa bahay, 'yong mga kailangan lang talaga tulad ng meat, vegetables, ibang stocks, and etcetera.

Allowance ko lang talaga ang wala.

"Manlilibre ng barbeque titili," suggestion ni Ash.

"Ready mo na pera mo," pang-aasar ko.

"Ulol! Hindi ako tumitili! Si Rae nga 'yon, e?!" Nanuro pa siya.

Inilingan ko naman siya. Hindi siya naki-sali sa paghahanap ng movie kahit siya naman ang expert doon dahil kausap niya raw 'yong kaniyang abunjing-bunjing.

In love na nga ata ang kaibigan ko! Si Rae naman ay hindi ko na nakikita masyado na may kausap sa phone unlike noon.

It's either na-ghost siya or siya 'yong nang-ghost. Pero imposible! She was very head over heels over this certain woman na hindi namin kilala.

Maski ang gusto ni Ash ay hindi ko kilala.

Okay lang, patas lang dahil hindi rin naman nila kilala ang akin. Syempre, kasi wala naman akong nagugustuhan, e!

O baka naman meron? In denial lang ako? Hindi ko alam. I have never had a serious crush before! Kaya hindi ko alam kung ano ang signs na crush ko na 'yong isang tao.

Ang alam ko lang, iba ang gusto, sa mahal, at sa crush.

Iba rin naman ang crush na admiration lang sa crush na napapangiti ka na sa phone.

Corny, pero sana all.

"Naka-tikim ka na ba ng tampal puke-" sinalpakan ni Ash ng popcorn sa bibig si Addy.

Kanina niya pa bukambibig ang tampal puke na nakita niya raw sa internet. Flounder fish na lang kasi!

Sabi niya pa, para malaman kung fresh ba iyon, dapat daw ay mapink-pink.

Syempre, sino bang 'di magrereact do'n? Parang tanga, e.

"Alam niyo bang tampal puke 'yong isdang kaibigan ni Ariel-" sinamaan na siya ng tingin sa lahat. "Ano?!"

"Manahimik ka na, please," pagmamakaawa ko, inaasar siya. "Hindi siya flounder fish."

"Ba't kasi flounder pangalan kung hindi?"

"He's a damselfish, stop ruining everyone's childhood." I explained.

"Okay, boss," nag-thumbs up siya. "Pero-"

"Ah, tutuloy mo pa?" Inambahan ko siya na babatuhin ng throw pillow. "Gusto mong sirain ko childhood mo?"

"Shoot your shot," she smirked at me.

"Phineas and Ferb was Candice's hallucinations. Kaya kapag nagsusumbong si Candice sa mother nila, hindi niya naaabutan kasi sabi nila, it was all a part of her hallucinations."

Beneath Those GlassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon