Khiane Courtney's POV
I was left dumbfounded when Drea left me that time. I was so confused! Ni hindi ko alam kung anong pinaparating niya!
Is she playing mind games with me? Kung gano'n uwi na siya, naka-uwi na ako!
Charot.
Ipinagsawalang-bahala ko na lang iyon kaya kahit nang dumating si Miss Aly ay hindi ko na sinabi sa kaniya na naka-usap ko si Drea.
For sure it was nothing, memasabi lang ang isang iyon. Napa-punta lang ng detention ay kung ano-ano na ang sinabi.
Iyon siguro 'yong gayuma ni Miss Lourn, pareha kasi sila, e. Walang ibang lumalabas sa bibig kung hindi ang salitang nonsense.
Kaya naman, nang lumipas ang ilang araw ay hindi ko binigyan ng pansin ang sinabi niya. Bahala siya diyan.
"Aly, I'm here na." I announced as I entered Miss Aly's office. She turned her gazed at me and glared at me.
Ipinatawag niya ako sa isang student kanina, 'yong kapatid ulit ni Miley na si Riley. Quotang-quota na ang batang iyon dahil inaasar niya ako palagi.
"How many times do I have to tell you to call me 'Miss Aly'?" Pagalit na naman nito sa akin.
"Okay, sorry na," I chuckled. "Galit ka naman agad, e. Ayaw mo ba ng misis na lang-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang batuhin niya ako ng crumpled paper.
Grabe, ah?! Parang nagjojoke lang, e!
"Don't start, Courtney, and just please, give this to the Dean," lumapit ako sa kaniya at kinuha 'yong bunch of envelopes and folders.
"Noted... with kiss." I winked at her and grinned playfully.
Nakita ko lang 'tong line na 'to somewhere. Sabi kasi nila, noted with thanks, kaya akin with kiss!
Exclusively for her only.
"Flirt." She rolled her eyes at me.
"Sa'yo lang," I chuckled and fixed the folders, muntik nang mahulog iyon.
"Go now." Pagtataboy nito kaya wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod.
Pinapaalis na kaagad ako! 'Di nga kami sabay pumasok kanina dahil pinasundo ako ni Ate Ana kay Kuya Mikee.
Kaninang lunch naman, nasa meeting siya kaya hindi siya nakasabay sa amin! Si Miss Lia ay nakapasok na ulit! Hindi ko alam kung bakit siya absent, pero sabi naman niya ay okay lang daw siya.
Nang makarating sa office ni Dad, nakita ko nga ang mga kaibigan ko. I told them to wait for me outside Tito's office dahil ayokong mag-lakad mag-isa. Bakit ba?!
"Courtney, hija," bati ni Tito nang makita niya akong pumasok sa office niya. Agad kong inilagay ang pinadala ni Miss Aly sa table niya. Pinagpagan ko pa ang kamay ko.
"Ang dami niyan, Uncle. Wala man lang reward?" I joked.
"Gusto mong pa-pirmahin kita nang maraming documents?" Uncle challenged me, itinuro pa ang ibang papel na gabundok na.
I shivered at the sight. Ang dami, ha!
"Ha-ha, 'wag na pala. Kaya niyo na 'yan," I smiled awkwardly.
Uncle laughed. "How have you been?"
"Buhay pa naman," sagot ko na lang. "Alam niyo ba, Uncle, kung nasaan si Dad?"
"Yeah, he's in Switzerland, right?" Parang patanong niya pang sabi sa akin. "Why? He didn't tell you?"
"Hindi po, baka hindi lang na-text sa akin," I lied. Never sinabi sa akin ni Dad kung saan siya pupunta. Nababalitaan ko lang madalas kay Mary o kung may ipinapadala siya.
BINABASA MO ANG
Beneath Those Glasses
RomanceGxG | ProfxStudent | Stand Alone (Estrella University Series #1) Khiane Courtney, or who they call KC, was studying not so peacefully at Estrella University. She was a BS Nursing student who aims to be the best, more like, the bestest. Khiane wears...