Chapter 07

9.4K 383 26
                                    

Khiane Courtney's POV

"Prepare an ice pack once you enter your house."

'Yon ang huling sinabi ni Miss Aly nang ibaba niya ako rito sa kanto before ang subdivision. Hindi na ako nagpababa sa mismong subdivision dahil nahihiya na ako.

Hindi ko rin talaga ipinagsasabi sa iba kung saan ako nakatira, sina Ash, Rae, at Miley lang ang nakakaalam. Ayaw din naman ni Daddy iyon, baka malagot ako kapag nalaman niya.

Nagtaka pa nga ako sa huling sinabi ni Miss bago siya nag-drive pauwi. Sinundan ko ng tingin ang kotse niya hanggang sa hindi ko na ito naaaninag.

Inilabas ko ang phone ko mula sa bulsa ko. Mabuti nga ay hindi siya nabasa. Ang problema ko lang ay 'yong bag ko... naiwan kasi 'yon sa kotse ni Miley.

Ang salamin ko naman ay basang-basa rin. Tinanggal ko nga iyon nang makapasok sa kotse ni Miss, iyon kasi ang sabi niya.

She told me to take it off.

I was amazed while inside her car. It was a white Porsche! Sa pictures ko lang iyon nakikita kadalasan, o kaya naman, sa parking lot sa office ni Dad.

"Ate? Pwede pong pasundo?" Tawag ko gamit ang nanginginig na labi ko dahil sa lamig.

Mayroon akong blazer na suot dahil ibinigay iyon ni Miss. She told me to use it while we were driving home. Pinatay niya pa ang aircon para sa akin. The car was quiet the whole trip. Hindi na ako nagsalita dahil pagod na ako, si Miss Alyona naman ay talagang hindi madaldal.

"Nasaan ka ba, Khiane?" Tanong ni Ate Ana, narinig ko pa siyang tinawag si Kuya Mikee at ipinapahanda iyong kotse.

"Nasa kanto po bago 'yong subdivision..." Sagot ko. "Ate, pwede pakibilisan po? Nilalamig na po ako."

Ramdam ko ang pangangatal ng cellphone ko sa tenga ko dahil nanginginig na talaga ako sa lamig. Umaambon na lang pero sobrang lamig ng ihip ng hangin.

"Osya, ito na't paalis na kami." Narinig kong sumara ang pinto ng kotse. "Ano ba'ng nangyari sa'yo't para kang nanginginig sa lamig? Akala ko kasama mo ang mga kaibigan mo?"

Napakagat labi ako.

"K-kasama ko po sila kanina..." Pagkekwento ko. Yakap ko na rin ang sarili para kahit papaano ay maging warm ang nararamdaman.

"Asan na sila?"

"May... may emergency po sa bahay kaya umuna na ako," suminghot ako. "Tapos naabutan ng ulan."

"Ay, jusko! Wala ka pa namang dalang payong!" Sabi ni Ate Ana. "Heto na kami at paliko na."

Habang nasa tenga pa rin ang phone ay hinintay ko ang kotse. Hindi naman nagtagal ay nakita ko rin ang papalapit na kotse namin.

Hindi pa man nakakahinto nang maayos ay lumabas na si Ate Ana na may hawak na payong.

Agad niya akong nilapitan at isinilong sa payong. Inayos niya pa ang blazer na naka-lagay sa balikat ko bago ako inalalayan pumayos sa kotse.

Hinawakan niya pa ang ulo ko para hindi ito tumama sa bubong ng kotse. Isinara na niya ang payong bago pumasok sa kotse.

"Paki-patay ng aircon, Mikee." Utos niya sa driver namin, na agad namang sinunanod ni Kuya Mikee.

"Ayos lang kayo, Ma'am?" Tanong pa ni Kuya Mikee. Tumango naman ako bago sumandal kay Ate Ana. Hinihimas-himas niya pa ang buhok ko na siya namang nagustuhan ko.

"Nako naman, hindi pa nga ayos ang pasa mo sa pisngi, tapos mukhang lalagnatin ka pa." Tila nabuhayan ako nang sabihin iyon ni Ate Ana.

Inangat ko ang phone ko para mag-salamin sa screen. My eyes widened when I saw that my make up was ruined!

Beneath Those GlassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon