Khiane Courtney's POV
Honestly speaking? With the words she said? I don't know what to feel. Halo-halo ang nararamdaman ko. Sa sinabi niyang sana ay proud ako sa kaniya dahil naipanalo niya ang kaso ay hindi ko maintindihan.
Why... should I be proud of that? Am I missing something?
Naiwan tuloy akong tulala habang naka-tingin sa kaniya. Kahit lasing ay hindi mo maitatanggi ang gandang taglay ng abogada. Naka-pikit man ay ang ganda-ganda pa rin. Kahit saang anggulo mo siya tignan ay hindi mo makikitaan ng iba kung hindi ang kagandahan.
Lalo pa kapag naka-titig ako sa mga mata niya. Mga mata niyang mas nakikita ang kulay kapag nasisinagan ng araw. Hindi kataka-takang puro candid pics niya ang meron ako... sino ba namang hindi siya kukuhanan ng litrato kung ganito siya kaganda.
I was about to ask her about what she said but she fell asleep already. Alam ko iyon dahil mabigat na ang pag-hinga niya. Napa-buntong hininga ako. Palaging ganito ang timing, kapag may gusto akong linawin ay ganito ang nangyayari.
Marahil ay dahil lang iyon sa kalasingan... I'm still sober at naiintindihan ko pa ang ibang sinasabi niya, bukod na lang ang palaisipang iniwan niya sa akin bago siya natulog.
Sana'y diretsuhin na lang niya ako. Hindi ko man maintindihan ang kaniyang sasabihin ay pipilitin kong iintindihin. Mas magandang may maayos na komunikasyon kami... kasi doon, napag-uusapan namin nang maayos ang mga bagay na hindi namin nagawang mapag-usapan noon.
Marami na kaming oras ngayon... but I'm still wishing for more time with her, dahil hindi ko naman alam ang takbo ng mundo. Nakakatakot na maaaring mamaya o bukas, hindi ko na naman siya makakausap dahil... umalis siya.
We are civil to each other right now, pero hindi naman agad natatapos iyon doon. There is still what if's and could've been's in my head, probably in her pretty mind, too.
Deserve naman siguro namin ng happy ending.
Nilinisan ko ang katawan niya gamit ang malinis na towel. Wala akong mahanap na damit kong kakasya sa kaniya kaya naman iniwan ko na muna siyang suot ang dress niya.
Hindi ko siya mabihisan dahil wala namang permiso niya. Ayoko namang bihisan siya nang hindi niya napaghihintulutan. Pareha man kaming babae ay nananaig pa rin sa akin ang kagustuhang mabigyan ng permiso niya upang gawin iyon, pero dahil tulog na tulog na ang babae dahil sa labis na kalasingan at pagod, hindi ko na ito magising pa.
Nakakaawa namang gisingin, ang sarap ng tulog, e.
Matapos noon ay napag-pasyahan kong gawin muna ang important files ko na hindi ko nagawa nang mga nakaraang araw dahil sa sunod-sunod na events. Mabuti na lang ay nadala ko ang laptop bag ko kaya naman hindi na ako mahihirapan pa rito.
While typing on my laptop, I received a message from Adelaida saying that Miley already went home. Nag-iwan naman ako ng mensahe kay Miley kung sakaling magising na siya kinabukasan.
Habang nagpipindot nga sa laptop ko ay hindi ko maiwasang hindi mapa-tingin sa babaeng kasama ko sa condo na ito. Walang ibang naririnig kung hindi ang ingay ng aircon at ang tunog ng pag-tipa ko sa laptop.
Mahimbing ang tulog niya. Bahagya pa siyang gumalaw upang yakapin ang unan na inilagay ko sa gilid niya.
Hindi ko na namalayan ang oras habang nagtatrabaho at habang pinagmamasdan siya. Hindi na ako nagulat nang makitang halos alas tres na ng madaling araw.
Doon ko lang naramdaman ang pagod at antok. I covered my mouth when I yawned. Sinubukan ko pang hindi gumawa ng ingay dahil tulog na tulog pa rin ang baby ko.
BINABASA MO ANG
Beneath Those Glasses
RomantikGxG | ProfxStudent | Stand Alone (Estrella University Series #1) Khiane Courtney, or who they call KC, was studying not so peacefully at Estrella University. She was a BS Nursing student who aims to be the best, more like, the bestest. Khiane wears...