Chapter 05

11.8K 407 118
                                    


Khiane Courtney's POV

Habang sinusundan ko si Miss Aly ay marami ang nakatingin sa amin—sa kaniya pala.

Sino ba namang hindi? Head turner naman talaga si Miss Aly. Head turner siya pero masungit siya, gets niyo?

Gets niyo na 'yan.

"Miss Alyona? Saan po tayo pupunta?" Binilisan ko ang lakad ko para makahabol at makasabay ako sa kaniya.

She turned to me but she didn't answer my question. Nagpatuloy na lang akong sundan siya hanggang sa nakarating na pala kami sa cafeteria.

"Miss, sakit mo naman, ayaw mo 'ko sagutin," I pouted kahit hindi niya ako nakikita dahil nauna na naman siyang mag-lakad sa akin. "Nanlalamig ka na sa 'kin, hindi mo na 'ko mahal, tulad ng dati-"

Napatigil ako nang lumingon ito sa akin na magkasalubong ang noo. I smiled awkwardly. The two of us continued walking.

Is this how Miss Aly truly walks? She looks like she's walking in a runaway! God, if hindi ko siguro professor si Miss, I'd think that she's a model.

With that height and beauty of hers? Talaga nga namang pasok sa standards ko—ng runaway.

"Sit." Miss Aly ordered which I obliged. I looked at her nang maupo siya sa harap ko. Gano'n din ang ginawa niya sa akin.

Magtititigan na lang ba kami rito?

"Miss?" Tanong ko nang nanatili pa rin siyang nakatingin sa akin.

"Miss Adelstein, I would appreciate it if you would stay quiet for a while." Aniya nang naka-cross feet pa. Mukha na naman siyang model!

I stayed quiet like what she said.

Nang tumayo siya ay napalunok ako. Sinundan ko siya ng tingin nang magsimula siyang mag-lakad sa table namin. I saw her buying something I from the tindera.

Nang makabili naman siya ay bumalik siya kaagad sa lamesa namin. She sat down in front of me again and stared at me.

"Staring is rude." She suddenly said which made me go back to my senses.

"Hala, ikaw nga po 'yon-"

"Let's go straight to the point, Miss Adelstein." She cleared her throat. "The review session of yours and the other students are taking so long."

"Tapos po?" I listened attentively.

"Since I would be busy a few weeks before the contest, the Dean and I decided to discontinue the test Miss Lourn prepared." She said that made me think stop for a moment?

Hala? Hindi na tuloy? Edi paano 'yon?

"We decided to choose you for the upcoming event instead." I stiffened.

Sino raw? Ako? Me? Ba't ako?

"Po?" Tanong ko ulit, making sure I heard it right.

"You heard it right, Miss Adelstein. I hate repeating myself." Saktong dumating 'yong inorder niya—na kape pala—at ininuman niya iyon. She also pushed a cup of milkshake towards me.

Beneath Those GlassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon