Chapter 03

13.4K 376 95
                                    

Khiane Courtney's POV

"Tanga ka, sabi butter, ba't tayo nasa ice cream section?" Tanong ni Ash kay Rae-most likely sa aming dalawa ni Rae.

Nasa grocery kami ngayon dahil naubusan ako ng ibang ingredients sa bahay. Free time namin ng 4 hours, kaya naisipan naming mamili na ng ingredients para sa brookies na ibe-bake naming tatlo sa bahay.

Tuesday pa lang ngayon pero heto at nagsi-sleepover kami.

Okay lang 'yan, ang mahalaga nakakatulog na kami ulit ng 8 hours a day. Hindi 8 hours a week.

"Says who? Ikaw nang-hatak dito, ah?" Tanong naman pabalik ni Rae kay Ashly at tinaasan ito ng kilay.

"Ah, basta, tanga ka pa rin." Pakikipagtalo pa ni Ash.

"Ako tanga lang, ikaw tangina ka." Nang-aasar na ani Rae. Mukhang naasar naman si Ash kaya pinaglayo ko na sila at hinila pabalik sa dairy section.

Nagtatalo pa rin sila habang papalapit habang ako ay tinutulak lang ang cart namin papalapit sa mga butter.

Nag-hesitate pa nga ako kung anong brand ang kukunin.

"Pst, beh," rinig kong tawag ni Ash kay Rae.

"Oh?" Bored na sagot ni Rae habang nakatingin sa mga prutas sa harap niya.

Ash was beside the cart while I was still busy choosing a brand. Rae was in front of the fruit, she was like picking what to buy. Nabubuang na ang kaibigan ko. Nakikipagtitigan siya sa mga prutas.

"Tignan mo 'to, beh." She lifted up something I didn't notice what it was. "Butter ba 'to or margarine?"

Tumingin naman sa kaniya si Rae na ngayon ay nakahalukipkip na. Tumingin din ako sa kanila at inilagay na sa cart ang napiling brand.

"Basahin mo siguro, 'no, para malaman mo?" Rae sarcastically said.

"Eh, sabi rito, margarine, pero most people call it butter. So sinong paniniwalaan ko?" Ash asked, I don't know if she was serious or what.

"Shut it, Ash. It's margarine." Singit ko.

"Pero tawag nila rito butter-"

"Miss, pwedeng mamaya na kayo mag-talo? Matutunaw na 'yan lahat-lahat pero hindi niyo pa rin alam tawag d'yan." I turned around and saw that three people were already in line, waiting for us to finish fighting.

Parang tanga, pinag-awayan 'yung butter slash margarine.

"Sorry po," I smiled awkwardly and bowed a little before turning the cart around towards my two friends who didn't seem to notice the line the two of them made.

I pushed the cart towards them, dahilan para matulak sila nang kaunti. Sinamaan naman nila ako ng tingin pero tinaasan ko lang sila ng kilay.

Dapat makuha sila sa tingin.

"Move forward," I mouthed but Ash mouthed what with question marks around her head.

I sighed. Hindi ata nila nakikita ang pila sa likod ko dahil natatakpan ko.

Tinulak ko na lang ulit sila using the cart, sumunod na lang sila sa pagtulak ng cart.

Beneath Those GlassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon