Chapter 40

11.9K 300 58
                                    

Khiane Courtney's POV

"I'm at my girlfriend's work, Leil. Tell Miley I left early." I informed before I ended the call.

I closed and lock my car's door before finally walking down the street. The Firm had a lot of clients lately kaya hindi ako masyadong pumupunta rito noong mga nakaraang araw.

Mabuti na lang at tapos na ang seminar, wala na kaming iisipin ni Aly.

Ilang araw na lang din kasi ay graduation na. Pinaghahandaan ko ang araw na iyon, at alam kong gano'n din si Aly. She kept asking me about my graduation, like when is it happening, what time will it going to start and end. Things like that.

These past few days went really, really fast. Ni hindi namin namamalayan ang oras ni Aly. Minsan nasa bahay ko kami, minsan naman sa bahay niya. Minsan naman lumalabas kaming dalawa kapag wala kaming trabaho o kaya kapag hindi kami busy.

Naging maganda ang takbo ng buhay namin ni Aly, I couldn't even ask for more. Masaya akong kasama ko siya lagi, lalo na kapag nasa bahay ko kaming dalawa, magkatabi sa iisang higaan habang magkayakap.

Kahit gano'n lang ay ayos na sa 'kin. No need with fancy dates or such... gusto ko lang na makasama siya. Iba pa rin talaga ang quality time para sa akin.

"Good afternoon, Miss Adelstein!" I smiled at the woman who greeted me. Siya iyong babae na nag-abot sa akin noong pinakuha raw ni Aly noong gabing sinorpresa nila ako.

"Good afternoon din," sagot ko. "Nasa meeting ba si Atty. Estrella?"

"Yes po, Ma'am. It'll end naman po in thirty minutes. Do you want me to message her po?" Akmang ilalabas na nito ang kaniyang cellphone nang pigilan ko siya.

"Oh, no, no! It's fine, dito na lang ako sa lobby maghihintay. Mabilis na lang naman ang thirty minutes." Pagtanggi ko.

"Are you sure, Ma'am? Pwede naman po kayo sa office ni Attorney. Bilin niya rin po kasi na kung pupunta po kayo e patuluyin na lang daw po kayo sa office niya." Aniya, inaalok ako.

"Yes, I'm good, really," I smiled. "Una na 'ko, ah? Baka naabala pa kita sa trabaho. Thank you."

Pagkatapos naman noon ay nagpasalamat din siya at nagpaalam na para umalis. Gaya noong mga nakaraang araw, maraming clients ang firm ngayon kaya naman meron ding mga naghihintay sa lobby. Mabuti na lang ay may single couch pang natitira, 'yong iba kasi ay pang maramihan na.

Iisa lang naman ako.

The moment I sat down, I immediately grabbed my phone from the pocket of my office blazer and clicked Aly's contact name.

To: My Attorney :3
baby...

Dahil nga nasa meeting siya, hindi ako nag-eexpect ng reply mula sa kaniya. Kapag kasi nasa meeting 'yan noon, kapag work from home, ayaw na ayaw niyang naiistorbo kasi nga raw, nagfofocus nga raw siya. Hindi raw siya dapat guluhin dahil nawawala raw siya sa focus.

Sus, if I know, kapag nakikita niya ang pangalan ko sa notifications niya, kini-click niya agad. Gano'n niya ako ka-mahal!

From: My Attorney :3
Yes, love? Do you need anything? I'm in a meeting.

Hindi ko inaasahan ang reply niya. Aba! Sabi ko sa inyo, e, iki-click niya 'yan basta ako. Proven and tested na 'yan by me.

Ako lang 'to... si Khiane Courtney, girlfriend po ni Alyona Desteen.

To: My Attorney :3
anong tawag sa kambing pag siya may kasalanan?

I bit my finger to stifle my laughter. I badly wanted to laugh but it was embarrassing to do that dahil nasa labas ako! Oh my goodness, I could feel tears from the side of my eyes!

Beneath Those GlassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon