Chapter 08

10.2K 367 93
                                    


Khiane Courtney's POV

Gano'n nga ang siste namin ni Ash at Rae sa mga nag-daang mga araw. Hindi pa rin kami nagpapansinan, pero kahit na gano'n ay nalulungkot pa rin talaga ako.

Gusto ko naman silang kausapin pero hindi ko ginagawa. Siguro, I will still sad about Ash raising her voice at me.

Kapag naaabutan ko sila sa classroom ay minsan, nag-uusap sila. Minsan naman ay hindi. Kapag si Miley naman ang nakakasalubong ko ay nginingitian ko siya.

Hindi pa nga ako nakakapagpasalamat sa pag-dala niya ng gamit ko sa bahay dahil ni isa noon sa kanila ay hindi ko nireplyan, si Miss Lia lang.

Halos magdadalawang linggo na nga nang mangyari 'yon, natatakot ako na masanay akong palaging si Addy ang kasama ko dahil halos araw-araw ay sila Ash naman ang kasama ko.

'Yong kay Miss Alyona naman, magsisimula na ang reviewing namin bukas. Sunday kasi ngayon, wala naman akong ibang ginawa kung hindi ang mag-aral at mag-basa.

Halos pagabi na rin, ang boring nga lang dahil kahit anong tingin ko sa phone ko ay talagang walang notification na nanggagaling sa kanilang dalawa.

Pinagmasdan ko 'yong tulips na binili ko kay Addy habang tinatap ko ang pen ko sa ibabaw ng study table.

Kanina pa ako nakapalumbaba. Kanina ko pa rin pinagmamasdan itong isang paragraph sa notes ko. It looks easy to understand but my mind was not getting it.

Para bang hindi na siya tumatanggap ng kahit anong information!

"The deoxygenated blood enters through the Inferior Vena Cava (lower part) and Superior Vena Cava (upper part) to the right atrium then... passes through the tricuspid valve and goes to the..."

Napa-hingang malalim ako. Tinanggal ko ang reading glasses ko saka tinignan muli ang binabasa. It was easy! But my mind was declining to accept anymore information about this certain topic!

"...and goes to the right ventricle."

Miss Alyona told me to advance read for our review tomorrow, para raw kapag may hindi ako naiintindihan, iyon ang ituturo niya sa akin para mamaster ko.

Kaso ayaw naman makipag-cooperate ng utak ko. Kanina pa ako sa circulatory system, e!

Sinara ko muna ang notebook ko at pinatay ang iPad ko. I stood up and went to my walk-in closet to get a hoodie.

Nang masuot ay kinuha ko ang wallet ko. Meron pa akong higit five thousand, malapit naman na ang sweldo ko dahil malapit na mag-akinse.

Sinuot ko ulit ang glasses ko saka ko pinatay ang ilaw ng kwarto ko para makalabas. I checked on Ate Ana pero hindi ko siya mahanap, siguro ay nasa baba.

Nang makababa ay tama nga ako at nandoon siya sa sala, naghuhugas ng pinggan.

"Ate?" Tawag ko sa kaniya.

Lumakad naman ako papalapit sa kaniya. Nilingon niya ako habang patuloy pa rin sa paghuhugas.

"Khiane? Saan ang punta mo?" Tanong niya. Bumalik ang tingin niya sa lababo.

"Pupunta lang po ako sa convenience store, o kaya sa 7/11, may bibilhin lang po ako." Paalam ko, nasa dalawang bulsa ng hoodie ang kamay.

"Magpapahatid ka ba sa Kuya Mikee mo?"

"Hindi na po, lalakarin ko na lang po. Babalik din po ako agad."

"Osya, mag-ingat ka, ha?" Nilingon na ako ni Ate. Tumango naman ako sa kaniya bago ako lumakad.

Pinagbuksan pa ako ng isang helper ng gate. I said my thanks. Natawa pa nga ako nang sundan pa ako ng tingin ni Kuya Mikee hanggang sa makarating ako sa isang kanto.

Beneath Those GlassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon