Khiane Courtney's POV
"Bebe, gusto mo ba ng maiinom?" Tanong ko sa babaeng nasa harap ko. Kanina ko pa siya pinagmamasdang mag-trabaho sa laptop niya.
Ni hindi ko alam kung ano bang ginagawa niya diyan. Simula kahapon ng gabi, may inaayos na siya diyan. Sabado na nga ngayon, e. Weekend na pero mukhang nagta-trabaho pa rin siya.
"Do I look like a three year old to you to call me 'bebe'?" Tinignan ako nito mula sa taas ng laptop niya.
Ba't muna siya galit?
"Tatanong lang, ih," napakamot ako ng ulo. Inaalok ko lang naman siya! Sungit talaga, e. 'Di naman siya inaano.
"You and your endearments, Adelstein." Umiiling-iling ito at saka muling ibinalik ang tingin sa laptop niya.
"Miss Aly, lalabas ako mamaya..." Paalam ko. Natigilan siya, na-realize siguro na kaya ko siya inalok ay dahil lalabas ako.
Hindi kaya! Mabait lang ako kaya inalok ko siya ng maiinom!
"Where are you going?" Tanong nito, hindi tumitingin sa akin.
I cleared my throat, "D'yan lang..." Sinigurado kong buo ang boses ko para hindi niya mahalatang may ibang plano ako.
I'm planning to go and meet Chloe today. Nagpasama ako sa kaniyang pumunta ng mall para bilhin 'yong cute na plushie ni Pucca.
Maganda kasi iyon, gusto kong ibigay kay Miss. Paniguradong magugustuhan niya iyon. Sa mga nagdaang araw na binibigyan ako ng allowance ni Miss kahit hindi naman ako nanghihingi, inipon ko iyon para mabili ang plushie na nakita ko.
Mura lang naman iyon kaya hindi tumagal ng ilang araw ang pag-iipon ko. Isinama ko rin kasi 'yong natitirang pera ko na galing sa sweldo ko.
Kapag okay na ulit, babalik na ulit ako sa trabaho. Hindi naman na umuuwi sa bahay si Dad, based kay Ate Ana. Pwede na siguro akong umuwi. Masyado nang maraming nagawa si Miss Aly sa akin... kahit sa ganitong bagay ay maka-bawi man lang ako.
Sa mga ipinapakita ni Miss ay lalo lang akong nahuhulog sa kaniya, bagay na hindi ko na napigilan. Wala, e... siya talaga ang gusto ko.
Siya lang at wala nang iba.
Hindi ko man aminin iyon sa kaniya at alam kong ramdam iyon ni Miss Aly... I know I should have use my voice and tell her what I feel, pero wala pa akong lakas ng loob para gawin iyon... Lalo na't hindi ko pa alam kung ano ang relasyon ni Miss Aly kay Sebastian, o kung pareha ba kami ng nararamdaman.
I'll tell her what I feel when the right time comes. Sa ngayon ay gusto ko munang i-enjoy ang mga oras na magkasama kami dahil hindi ko naman nalalaman ang mga susunod na mangyayari sa hinaharap.
"Okay. Make sure to be home before eight o'clock, alright? It's dangerous out there," she reminded me, tumango naman ako nang paulit-ulit. "And please, text me. Update me."
"Okay lang sa'yo... na i-update kita?" Tanong ko.
"Of course," sagot nito. "Update me your whereabouts."
"Uhm, okay po," ngumiti ako sa kaniya at saka nag-paalam na mag-aayos na.
Naligo lang ako at saka ako nag-ayos. I made sure to hide the money I saved para hindi niya malamang may bibilhin ako para sa kaniya.
She hates it when I'm spending so much. Nakakahiya naman kay Miss na halos milyon na ang ilabas tuwing namimili siya...
From: Chloe
I'm here na sa mall.To: Chloe
Bakit ang aga mo? Wala pang four ah?From: Chloe
Mom and I went shopping earlier sa different mall, tapos she dropped me off lang
BINABASA MO ANG
Beneath Those Glasses
RomanceGxG | ProfxStudent | Stand Alone (Estrella University Series #1) Khiane Courtney, or who they call KC, was studying not so peacefully at Estrella University. She was a BS Nursing student who aims to be the best, more like, the bestest. Khiane wears...