Chapter 09

10.1K 376 77
                                    


Khiane Courtney's POV

"I'll take Adelstein home." Everything seemed to stop when she said that.

Ano raw? Pardon? Pwedeng paki-ulit? Ano raw ulit? Nabingi ata ako!

Si Miss Aly? Ihahatid ako? Pauwi? Ulit?

"Are you sure, Aly? It's okay for me to bring her home, though," tumingin muna sa akin si Miss Malia bago kay Miss Alyona.

"Yeah, I'm her adviser anyway." Miss Aly shrugged. May pinindot siya doon sa susi niya at napatalon ako nang tumunog ang kotse niya, na hindi ko napansing nasa tabi pala ng kotse ni Miss Lia.

"Okay... If it's okay for KC, I'll let you take care of her," Miss Lia then again looked at me. "Is it okay for you?" She asked.

"U-uhm," I stuttered and pursed my mouth. Hindi ko alam ang isasagot! Nakakahiya na nga ang pagsabay kay Miss Lia at Miss Yna, may Miss Aly pa na gustong siya ang mag-hatid sa akin.

I looked at Miss Aly pero tinaasan niya lang ako ng kilay at bored na tinignan ang kuko niya pagkatapos. Si Miss Lia naman ay naghihintay lang ng isasagot ko. Tumikhim si Miss Yna kaya lahat kami ay tumingin sa kaniya.

"'Wag niyo ngang i-pressure ang bata," ani Miss Yna.

"I am not." Maikling sabi ni Miss Aly.

"Are we pressuring you, KC?" Miss Lia asked slowly, concerned.

"W-well, uhm, magcocommute na lang po pala ako..." Nahihiyang sambit ko. Napakamot pa ako sa ulo ko.

Nakakahiya naman na sumabay ako kay Miss Aly at iwan si Miss Lia dahil si Miss Lia ang unang nagyaya sa akin! Kaso kung si Miss Aly naman ang iwan ko... baka magalit siya sa akin.

Siguro tama nga na umuwi na lang ako mag-isa at magpasundo kay Kuya Mikee.

Tama!

"I object." Aniya bigla, animo nasa korte. Minsan nagugulat na lang talaga ako kay Miss Aly, buti nga 'di pa 'ko nilalapagan ng Republic Act o batas e.

"Po?" I asked, puzzled.

"You are still under the school's premises, if something happens to you, it's the school's responsibility," Miss Alyona stopped and looked at me intently. "So hop in." She authoritatively said.

"Miss naman-" hindi na ako natapos.

"Aly's right, KC." Miss Lia agreed. "And, yeah, I think it's better if you ride with her instead."

"Paano ka, Miss?" Tanong ko.

"Yna's with me, so I guess it's fine..." I almost sighed heavenly with Miss Lia's soft voice.

This is what I loved about Miss Lia, she's very soft spoken, dagdagan mo pa ng soft voice.

"She'll be okay with me, sweetheart." Miss Yna smiled and held Miss Lia's hand. Hinila na niya si Miss Lia papasok sa kotse niya.

Hinintay ko naman na ma-start ni Miss Lia ang kotse bago ako kumaway. She smiled at me and waved back, ganoon din si Miss Yna. Hinintay ko lang na mawala sila sa paningin ko bago tumingin kay Miss Aly na nakahalukipkip na pala ngayon habang nakatingin sa akin.

"Let's go." Utos niya na sinunod ko naman. Kapag talaga siya nagsasabi, para akong nahihypnotize!

Or baka dahil Professor ko siya kaya niya ako napapasunod? Hindi ko rin talaga alam, basta alam ko lang, isang sabi niya lang ay sinusunod ko. Ang authoritative kasi ng boses ni Miss.

Sa buong byahe namin ni Miss Aly ay parang noong unang beses na hinatid niya ako, walang nagsasalita. Feeling ko nga napapanis na laway ko e.

"Miss Aly, ano'ng favorite color mo?" I asked, para lang magkaroon ng kaunting ingay sa loob ng sasakyan niya, maski kasi music ay wala.

Beneath Those GlassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon