Khiane Courtney's POV
"What happened to you? You've been staring at that wall for about five minutes na,"
Tila naka-balik ako sa katotohanan nang marinig ang boses ni Miss Aly. Kasalukuyan akong nasa office niya dahil ayoko pang umuwi, gusto ko siya makasabay.
Kanina pa nga ako rito, ni hindi ko nga napansin na naka-tingin na pala ako sa wall niya.
Hindi pa rin kasi mawala sa isip ko ang sinabi ni Rae sa akin kanina. Hindi gawain ni Rae ang mangielam sa amin unless kailangan... pero ngayon ay hindi ko siya maintindihan.
Bakit ayaw niya si Miss Aly para sa akin?
Ano'ng nangyari at bakit hindi maganda ang pakiramdam niya sa set up na meron kami ni Aly?
"Wala..." Binigyan ko na lang siya ng ngiti. "Ano'ng oras ang alis mo bukas?"
"Nine a.m, I still need to go here... So maybe I'll be back the next day." Sagot niya sa akin.
"Can we meet before you go?" I asked, paying attention to nothing but her face.
"Okay," she answered. "That's your vacant, right?"
"Yes, Madame," I chuckled, ayan na naman ang pagka-strikta niya.
"Okay, good. I don't want you leaving your classes for me."
Sa sinabi niya ay hindi na ako sumagot. Gustong-gusto ko siyang kausapin at sulitin ang araw na 'to bago siya umalis bukas... pero hindi ko magawa.
Nababahala ako... na hindi naman dapat.
This is scaring me... natatakot ako dahil kapag si Rae na ang nag-bigay ng opinyon, palaging may kahulugan.
Pero hindi dapat ako nagpapa-apekto. Alam ko sa sarili kong wala kaming ginagawang masama ni Aly... at kung meron man, I'm at fault. Ako ang nagsumiksik ng sarili ko sa buhay ni Aly.
"Courtney, what's the matter?" Napa-tingin ako kay Miss Aly nang marinig ko ang boses niya matapos ang ilang minutong katahimikan.
"Nothing," binigyan ko siya ng pilit na ngiti at umiwas na lang ng tingin.
I feel like my heart completely left my body when I felt her soft hand caressing my hand that has been on my lap earlier. I looked up to her and saw how her eyes were full of concern.
And suddenly, I remembered how she looked like the day we met. She was eyeing us using her cold eyes... she has that deadpan look, and now, look at her... smiling at me, as if assuring me that everything's going to be fine soon.
"You know that I'm always here for you, right? Courtney, if we have a problem, don't keep it to yourself-"
I sighed, "Aly, wala naman tayong ginagawang masama, 'di ba?" Tanong ko.
Mas magandang i-open up ko 'to sa kaniya kesa kimkimin ko sa sarili ko. Tama siya, hindi ko dapat sinasarili ang problema ko, pero ayokong pati siya ay mag-iisip.
Nakakapang-overthink.
Hindi naman ako ganito, talagang kapag si Rae lang ang nagsasalita ay mapapaisip ka. She's opinionated, and as for someone who have known her for years, alam kong hindi lang 'gut' ang nararamdaman niya.
"What do you mean?" Tanong nito balik sa akin bago siya umupo sa tabi ko. Inayos ko naman ang upo ko patagilid para makaharap ko siya. She was still holding my hand, as if she was afraid she'd lost it.
"What if ano... may isang tao, tapos sabi niya, she's having a bad feeling about our 'thing' right now... ano'ng gagawin mo?"
"What about it? As long as we are doing nothing wrong against them, then we're good." Sagot niya, ako naman ay naka-tingin lang sa kaniya. "Have we... wronged someone?"
BINABASA MO ANG
Beneath Those Glasses
RomanceGxG | ProfxStudent | Stand Alone (Estrella University Series #1) Khiane Courtney, or who they call KC, was studying not so peacefully at Estrella University. She was a BS Nursing student who aims to be the best, more like, the bestest. Khiane wears...