Chapter 06

10.1K 350 82
                                    


Khiane Courtney's POV

Awkward. 'Yon ang unang pumasok sa utak ko nang pumasok si Miss Aly ng room at galit na nakatingin sa akin? O sa tulips na hawak ni Addy?

O baka naman hindi siya sa akin o sa tulips nakatingin? Baka naman sa buong klase?

Agad kong kinuha sa kamay ni Addy 'yong tulips at sinenyasan siyang bumalik na sa upuan niya. Ngayon ko lang din narealize na tahimik na pala ang buong classroom, siguro simula nang pumasok si Miss Aly dito na may galit na mukha.

"Pst, umpisahan mo 'yong greet kay Miss Aly," siniko ko ang katabi ko na nakabalik na rin pala sa upuan niya. She looked at me and shook her head like she was scared of doing what I've said.

"Eh, gago, natatakot ako," aniya habang umiiling pa.

"Matakot ka kapag may tres ka na," siniko ko ulit siya.

"KC-" akmang magsasalita na ulit siya nang marinig namin ang boses ni Miss Aly. I looked at her and daw that she was standing in front of her desk while her arms were crossed on her chest.

She was like waiting for something, kaya naman kahit maski ako ay natatakot, ako na lang ang nag-simula ng greet.

I cleared my throat first. "G-good afternoon, Miss Alyona." I stuttered. Nang marinig naman ako ng iba ay nag-greet din sila.

"Seriously, are you in kindergarten or what?" Seryosong ani Miss Aly habang naka-halukipkip pa rin. I saw some of my classmates gulp. "Repeat!"

Napa-igtad ako nang sumigaw siya.

"Good afternoon, Miss Alyona!" Sabay-sabay na bati naming lahat. Her facial expression didn't change at all but I became at ease when she uncrossed her arms.

"Good afternoon," mahinahong bati niya na ngayon pabalik. "Please remain standing as I will change your respective seats."

She walked and went beside our president.

"President and Vice President of the class, please go to the both sides of this classroom."

Itinuro niya 'yong dalawang pintuan ng classroom, nasa left and right iyon.

"And the others, please move to any side you want," sabi niya ulit kaya agad namang nagsilapitan ang lahat kay pres at kay vice pres.

At dahil hinatak ako ni Rae, sumama na lang ako sa kaniya, doon kami sa side ni vp.

Nang wala nang natitira na nakatayo ay agad na hinarap kami ni Miss Aly. Nang magtama ang tingin namin ay sinenyasan niya akong lumapit, kaya lumapit ako.

"Yes, Miss?" I asked. She looked at me and pointed at something.

I gasped when she pointed at the chair in front of her desk.

Mapapa-I love my life ka na lang rito.

Tinatawag ko po lahat ng Santo, Santa, Gods, and Goddesses na sana ay gabayan ako lalo na't nasa harap ko na simula ngayon ang kapatid ni Anna na si Elsa.

Miss Aly, let it go.

"Sit there." She said, and for a second, I hesitated to oblige.

"Is this alphabetical, Miss? If yes, then Abuela should go first-" She cut me off.

Beneath Those GlassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon