Chapter 24

9.9K 296 23
                                    

Khiane Courtney's POV

For the past three months after the quiz bee, I started working secretly again. Kahit naman sabihin ni Miss Aly na siya na ang bahala sa akin ay hindi ako papayag.

Kaya ko namang mag-trabaho, kaya bakit hindi? At isa pa, gusto kong gamitin ang sarili kong pera kapag niyayaya ko siyang lumabas.

Sa mga nag-daang buwan ay ayos kaming dalawa. Kadalasan ay pumupunta ulit ako sa condo niya kapag nabo-bored ako.

There are times that I'll buy things for her, nga lang ay nagagalit siya. She said I didn't need to buy her things, pero ipinaglaban ko iyon dahil kung siya, kaya niyang bilhan ako ng mga bagay na hindi ko naman hinihingi, ay kaya ko ring ibigay sa kaniya ang mga bagay na alam kong magugustuhan niya.

Nang mag-simula akong tumira ulit dito sa bahay, kapag nalulungkot ako dahil hindi ko siya nakikita sa paligid, nagco-cover ako ng kanta para sa kaniya.

At first it was just because of boredom, until it became a hobby.

I made a playlist for her. Lahat ng iyon ay ako ang kumanta.

It started from Ikaw Pa Rin by mrld, until a few more songs were added.

For my dearest, Alyona.
• Ikaw Pa Rin | mrld
• Paninindigan Kita | Ben&Ben
• Tila Tala | Syd Hartha
• I'll Be There | Julie Anne San Jose
• Ikaw Lang | Nobita
• Best Part | Daniel Caesar
• Fearless | Taylor Swift
• Your Love | Alamid
• Grow Old With You | Adam Slander

She said I should focus on school instead of recording and covering songs for her. Pero hindi ko sinunod 'yon, covering songs for her became a part of my every week routine. Kahit hindi ko isipin ay nakatatak na sa utak kong kailangan ko siyang kantahan.

I love singing for her. I felt like I was serenading her, pero dahil hindi ko siya nakikita ay through online na lang.

Online ligawan.

Angas din, e.

"Miss na kita," malungkot na sabi ko kay Aly habang naka-dapa ako sa kama ko.

I was pleading her to let me visit, pero ayaw n'ya!

It's Sunday and I haven't seen her for like 2 days now because it's weekend! Nangungulila na ako sa kaniya!

I miss her so much. Buong weekend akong mag-isa dahil wala naman akong kasama rito sa bahay. Sa ngayon ay hanggang FaceTime lang kami dahil ayaw niya talaga akong hayaan na bisitahan siya!

Tama ba 'yon? Hindi! Nangungulila ako sa kaniya!

"Don't be so dramatic, Courtney. We've seen each other for five times a week. Aren't you tired of my face?" Aniya, tumingin sa akin nang sandali dahil abala siya sa laptop niya.

Nilalaro pa nito ang ibabang labi niya gamit ang daliri niya. Sarap i-kiss.

"I won't get tired of your face, 'Ga. Miss lang kita, e. Hindi mo ba ako miss?" Nang-aasar na tanong ko pero sa totoo lang ay gusto kong sabihin niyang miss niya rin ako.

Hindi lang dapat ako ang nangungulila dito. Dapat siya rin.

"Nope," sagot niya na ikinairap ko.

"Unfair," ngumuso ako.

"It's not," she disagreed. "Don't pout at me." Minalditahan na naman niya ako.

Dahil wala naman na akong magagawa at hindi niya ako miss, hinayaan ko na lang siya. Hindi niya ako miss?

Baka miss na miss lang?

Buhatin natin sarili nating bangko. Ganiyan dapat, hindi 'yong nalulugmok tayo.

Beneath Those GlassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon