Chapter 16

9.4K 326 97
                                    

‼️ Trigger Warning: Violence ‼️

Khiane Courtney's POV

"Ano ba 'yan? Ang aga-aga, ice cream kakainin niyo?" I hissed as Ash and Addy continued to pull me towards the convenience store. Nahulog pa sa ilong ko ang salamin na gamit ko kaya inayos ko iyon.

Kanina pa nga nila ako kinukulit na mag-ice cream, 'yong cornetto raw kasi Valentine's naman daw.

Tuwang-tuwa pa sila! Ako nga ay naiinis! Lalo pa't ngayon ang releasing ng cards! Masaya ba iyon?!

Hindi!

"Bawal KJ, okay? Ice cream lang 'to, 'di mo ikamamatay." Ash rolled her eyes at me. Binuksan nga nila 'yong glass door kaya wala na akong nagawa.

Pagbigyan, sige.

Hah! Dahil nga Valentine's, love song ang music sa loob ng store. Corny talaga ng mga tao ngayon.

Pero mas corny kapag nakita ko si Miss Aly at Baste na magkasama. Pangit iyon, hindi sila bagay.

Naka-halukipkip nga lang ako habang naghihintay sa kanila na bumili. Nagtuturuan pa kung sinong pipili.

Ay, parang ewan talaga, oh.

Umayos naman na ako ng tayo nang papalapit na sila sa akin. May nakakalokong ngiti si Addy sa bibig habang si Ash ay itinatago pa ang binili sa likod niya.

"Ano na naman 'yan?" Naka-kunot noong sabi ko.

"Ba't ba badtrip ka, ha? Broken ka ba?" Tanong ni Ash habang nakatago pa rin ang pinamili sa likod.

"Oo, kaya 'wag mo na ako inisin pa lalo," I hissed.

"Bitter," she whispered but I heard it anyway. "Oh, ito, oh," inabot niya sa akin ang cornetto na mukhang pa-rose pa ata ang design.

Okay na sana kaso nakita ko 'yong nakasulat sa takip! Anak ng!

"I think natamaan ako ni Cupid, kasi I think of you arrow-arrow," I read. My shoulder dropped and I slapped my forehead mentally.

Tanginang 'yan.

"Cute, 'di ba? Syempre 'di ka relate, mas bitter ka pa sa kape e," pang-aasar ni Adelaida Montecer sa akin kaya sinasamaan ko siya ng tingin.

Haha, pwede bang lumayas sa earth tapos respawn na lang ulit?

"Lilibre na lang kita ng kape, boss, at least, 'di ba? Same vibes kayo ng kape mo," inakbayan ako ni Ash. Tinignan ko siya na parang nagtatanong. "Parehas kayo bitter."

Nginitian pa ako ng huli. Kung wala lang akong hawak na ice cream ay sinapok ko na siya.

Pumasok na nga kami ng University, at jusko po, ang daming naka-red!

Mga hotdog!

Hindi ko na lang sila pinansin at nagpahatak na lang sa dalawang kasama ko. Si Ash na nga ang nag-open ng ice cream ko dahil malapit na kami sa trash can.

Si Rae nga ay nauna na sa stall nila kaya hindi namin kasama. Ayaw naman daw niya ng ice cream kaya hindi na binilhan ng dalawa.

Unlike sa normal morning dito sa University, marami ang nasa baba ngayon lalo pa't may stalls at mini concert mamaya na ang host ay ang music club.

Sana talaga sumali ako roon!

Pinuntahan na namin si Rae at nakita ko ngang nasa paligid na naman niya si Miss Yna na mukhang tumutulong din na i-finalize ang stall nila.

Valentine's Day means we are free from schoolworks!

Ang gusto ko rito sa University ay madalas silang mag-held ng mini concert tapos may fireworks kapag gabi!

Beneath Those GlassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon