Chapter 10

9.9K 357 78
                                    


Khiane Courtney's POV

"Miss Amaranth, sabi po ng kaibigan ko, crush ka raw po niya." Ani Addy Kay Miss Amaranth na nasa tabi niya.

Friday na ngayon at heto na naman kami, magkakasamang kumain. Unlike noong una na kasama ko si Ash at Rae, ngayon ay wala na akong nararamdamang tensyon, mukha ngang tama ang hula ko na kinabahan lang sila sa presensya ng mga propesora.

Maingay na ngang muli si Miss Yna habang si Miss Dyanne, ay bumalik ulit sa tahimik pero nagsasalita naman kapag tinatanong.

Hindi nga lang mawala sa isip ko 'yong tono ng boses niya nung nakaraan na para bang gusto na niyang makatakas, nga lang ay hindi pinayagan ni Miss Alyona.

"Friend who?" Tanong naman ni Miss Amaranth.

"Adelaida po name niya." Sagot naman ni Addy. Inikutan lang siya ng mata ni Miss.

"Trust me, I know."

Probably, alam ni Miss na crush siya ni Addy, she's a psychology major after all.

"Miss Alyona, may question po ako," it was again, Addy. Miss Amaranth tried shutting her off but she cannot be stopped.

Madaldal talaga ang isang iyon.

"Yeah?" She glanced at Addy. Napanguso naman ako. Ang daya! Kapag ako nagtatanong, no personal questions agad sinasagot e.

May favoritism si Miss.

"Aside from teaching, may other professions pa ba kayo?" Tanong niya.

"Actually," she wiped her mouth. "I was supposed to have three." She answered casually.

My eyes widened in that. Three? Tatlo?! That's so many!

"Kaya po ng time niyo 'yon?" It was Rae who asked, I was beside her.

"Back when I was a student, yes." Sagot niya kay Rae.

"Aly's studious, everyone," Comment ni Miss Amaranth. "She doesn't like having those lazy hours. She studies everytime."

"Nag-aaral siya kapag may chance siya. Kahit nasa eroplano pa." Dagdag ni Miss Yna.

"So, friends na po talaga kayong lahat since college?" I asked this time.

"You could say that." Miss Amaranth answered.

"Long story short, what are those professions, Professor Estrella?" Si Rae ulit.

"I'm a doctor-attorney, Miss Ventura." Aniya na parang wala lang iyon. Mas lalong nanlaki ang mga mata ko sa narinig.

She's a what?

Doctor-attorney?

Doctor... and attorney?!

What the fuck... Kaya naman pala nilalapagan ako ng kung ano-anong related sa ekonomiya! Attorney pala siya! Oh my god, bakit hindi namin alam iyon?! Kaya pala puro gano'n ang sharedpost ni Miss sa Facebook!

Aside from being a professor, she's a doctor ang an attorney at the same time!

"Kaya pala gano'n bio mo sa Facebook, Miss?" I asked, not minding anyone.

"How did you know?" Biglang sabi niya na parang nahuli ako sa akto kaya napa-awang ang bibig ko.

"U-uhm, napadaan po sa people you may know ko 'yong account niyo." Nginitian ko na lang siya.

Lie!

"Big time ka pala, Ma'am?! Edi ibig sabihin, apat po dapat trabaho niyo ngayon?" Tila hindi rin makapaniwala si Addy.

Beneath Those GlassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon