Chapter 33

11.8K 355 76
                                    

Khiane Courtney's POV

I don't know how the hell it happened, but I just saw myself walking down the corridor of our house, looking like a lost soul.

Naka-nganga at parang wala sa sarili habang naka-tingin sa kawalan.

Well... what the heck! She just called me baby!

O-oh my God, I think I'm hyperventilating!

"Her location's off, I couldn't track her. Could you ask Mrs. Mendoza to where she is? Sa kanila siya galing-" I could here my Uncle's voice from the inside of his room. I unconsciously knocked on his door and it opened within a second.

Naiwan pa ang kamay ko sa ere nang akmang kakatok pa ulit. I smiled at him awkwardly when I saw how confused Uncle Vin is.

"What the fuck happened to you?" Nawe-weirduhan niyang tanong sa akin habang naka-titig sa akin.

Sa naging tanong n'ya ay parang naka-ramdam ako ng kung ako sa tiyan ko. Ito ata 'yong butterflies in my stomach.

"Ihhh, Uncle!" Nangingiting aniko at parang tangang umiwas ng tingin dahil kinikilig.

"What the hell..." I heard him say. "Umalis ka lang, nagka-ganiyan ka na? Mukha kang kamatis!"

"Family genes acting up-"

"Nah, this isn't our family's genes, that is your gene acting up. Kanina pa kita hinahanap! Anong oras na, ah?" Istriktang aniya matapos akong lokohin.

Parang baliw na nagsusuntok ako sa ere nang muling pumasok sa utak ko ang narinig na endearment sa akin ni Aly kanina.

Baby...

Baby...

Baby...

Baby daw! Baby, baby, baby, oh~

Ay, charot.

"KC, you look like a literal idiot right now." natawa ako roon. "Seriously, what happened at mukha kang binudburan ng asin d'yan?"

"Uncle!" Kinikilig na aniko bago sapilitang pumasok sa kwarto niya. "This is the best day ever! I think, pwede na akong mag-asawa? What do you think-"

"Sino namang papatol sa 'yo?" Napanganga ako dahil sa sinabi niya. Seryoso pa itong naka-tingin sa akin.

Inismiran ko siya. "Syempre si ano..."

"Ano?"

"Syempre, siya. Ih, Uncle! Kinikilig ako! Nanginginig 'yong daliri ko, 'yong paa ko, ang sakit ng bewang ko, ang sakit ng ulo ko, sexbomb, sexbomb-" masaya pa akong nagkekwento sa kaniya dahil kinikilig ngunit natigilan nang marealize na iniwan niya na akong mag-isa sa kwarto n'ya.

"Iniwan ba naman ako?!" Bulong ko sa sarili. Humiga ako sa kama niya at inagaw ang teddy bear na bigay ni Aunt Aria sa kaniya noon. Napanalunan niya raw sa claw machine.

Two hundred pesos worth of tokens tapos 'yon lang nakuha ni Tita. Ayos.

"Ang sama ng ugali ng amo mo. Ganiyan ba talaga kapag single, ha-"

"Khiane Courtney, I can hear you from here!" Napatalon ako nang marinig ang boses ni Uncle at pabalyang ibinato ang teddy bear.

Bahala siya diyan.

Natapos ang araw na iyon at natulog akong may mga ngiti sa labi. I was hugging my pillow, thinking it was her. The way her lips mentioned my name, the way she said it, the way she called me baby... it gave bliss to my whole being.

One word and I felt like falling onto her world again. Pakiramdam ko ay sa kaniya na ulit umiikot ang mundo ko. Mag-mula nang makabalik siya—mag-mula kahapon ay alam ko nang puro siya ang pagtutuunan ko ng pansin... kasi na-miss ko siya nang sobra.

Beneath Those GlassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon