Chapter 31 (Part 2)

10.8K 339 81
                                    

Khiane Courtney's POV

"I didn't see her name there... how is that possible?"

"Probably because she's Director Estrella's daughter? She was one of the greatest doctors, anyway." Addy shrugged. She then drunk from her wine before putting them down.

"Kailan daw ang uwi n'ya?" I asked, clutching the table cloth. Addy saw how I clutched the cloth so I let go of it.

Kinakabahan ako sa magiging sagot niya. Hindi ko alam... halos pitong taon nang huli ko siyang nakita. There are for sure changes. Hindi lang sa physical appearance naming dalawa, kundi pagbabago naming dalawa.

Pagbabago ng pakikitungo namin sa isa't isa kung sakali.

"Hmm... excited ka?" Adelaida teased. I glared at her. "She's currently flying back here right now. Kaninang umaga pa raw siya naka-alis. Ang sipag ano?"

"Aren't we twelve hours ahead in time? It's twelve in the afternoon... probably twelve in the midnight there..." nagtatakang tanong ko.

"Oh?" Unexpectedly, a playful grin appeared in her lips. "Paano mo alam?"

I stiffened.

Shit, bakit ko nga ba alam?!

"N-nasa New York siya, 'di ba?" I tried my best to make my voice convincing. Hindi niya ako pwedeng mahuli! "Sabi mo..."

"Wala akong sinasabi," iyan na nga ang mapang-asar na mga ngiti niya. "Parehang-pareha talaga kayo, 'no? OTP ko pa rin kayo, hays. Magkabilang mundo, 'yarn?"

"What do you mean by that?"

"Alin doon? Sa meaning ng OTP o sa parehang-pareha kayo?"

"The former," I glanced at her. "Parang tanga, Addy. Hindi ko gets."

"Wala..." natawa siyang bahagya. "Kunwari ka pa. You're stalking her account, ano?"

"You can't accuse me without strong evidence, Miss Montecer," I eyed her.

"Correction, Mrs. Mendoza." She smirked, almost emphasizing her last name.

"E 'di wow," inirapan ko siya. "Nang-iinggit ka na naman. Akala mo talaga..."

"O, ano?" Nanlaban siya. "Bawal bumoses ang pitong taong single—oops, more than seven years pala, 'di naman naging kayo, e." She smiled so sweetly as if she didn't say something offensive.

The audacity!

"You are under my company, Adelaida, gusto mong i-pull out ko ang shares mo?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Haha, ito naman 'di mabiro," she sarcastically giggled. "Ito talaga si seven years... mag-iisang dekada na, uy... si Carson ka ba?"

"Sino naman 'yon?"

"'Yung nagka-gusto sa bff niya for seven years. Tapos kilala mo si Pathy?"

"Patty?" I asked, confused.

"Mali. Pathy with an H. 'Di ka marunong." Inirapan niya ako, kaunti na lang ay hilain ko ang buhok niya mula sa upuan ko sa sobrang pagka-bwisit sa kaniya.

Addy and I spent our lunch talking about business and other things—pero mostly ay other things iyon. Nangingibabaw ang pangangasar niya sa akin about sa pagiging seven years kong single.

Ang yabang! Porket kasal na siya... ang daya! Naiinggit ako!

Ang gaga ay panay ang ngisi sa akin. Natapos naman ang lunch namin nang tumawag sa kaniya ang asawa niya. Sakto rin naman dahil may meeting ako in an hour. Sadyang tumawag lang si Miley sa akin.

Beneath Those GlassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon