Khiane Courtney's POV
My birthday's in a week and the seminar's getting near. At the same time, we have three weeks before my med school graduation.
Ang daming gagawin! Hindi ko na napapansin!
Hindi rin biro ang naging journey ko para maka-punta sa kung nasaan ako ngayon... hindi naging madali ang pre-med at med school sa akin, lalo pa't tumigil ako ng isang taon sa kadahilanang nawalan ako ng dahilan para magpatuloy.
At ngayong nasa gitna na ako, maaaring malayo na ang narating ko, pero malayo pa. Pero hindi naman mahalaga iyon... what's important is I survived this journey.
At hindi rin naman biro ang pinagdaanan ko para lamang makuha ang CEO title na meron ako ngayon. Hindi man iyon ang gusto kong mailagay bago ang pangalan ko noong mga nakaraang taon, pero laking pasasalamat ko pa rin na nakuha ko ito.
Hindi ko naman 'to makukuha kung hindi ako nag-pursige at kung hindi sa tulong ni Uncle Vin.
At first, it was only the Dra. title that I wanted... but unexpected things happen unexpectedly, so here I am... having another title I never planned before. But thankful for it.
I sighed, remembering how the past years were so hard for me, I forgot how to rest. The past years that I was studying was not easy—and I didn't expect it to be that hard.
Pakiramdam ko noon ay napag-iiwanan ako... kaya naman nang maunang maka-graduate sina Addy mula sa pre-med ay hindi ko mapigilang hindi manliit para sa sarili ko.
Nakita ko kung paano silang lahat naka-akyat sa stage na may mga ngiti sa labi. Hindi ako naiinggit, pero nanliit ako sa sarili ko dahil pakiramdam ko ay napaglilipasan na ako ng panahon.
Iniyakan ko ang bagay na 'yon sa graduation nila.
But then, I realized na hindi naman pala ako napag-iiwanan... no one is successful overnight. God gave me a reason to stop studying... and that is to find forgiveness for myself and for the things that had happened to me.
The world decided to let me rest so that I could finally rest and find myself again in the midst of the chaos... at naisip ko rin na baka hindi ako makakarating sa kung nasaan man ako ngayon kung ipinagpatuloy ko ang buhay ko noon...
Kasi baka sa sobrang bigat, mapagod lang ako. Lalo.
Baka lalo lang akong maubos, tapos mas pagsisihan ko pa.
I let God do what He wants for me; embraced it with all my heart; accepted it wholeheartedly.
Pero may mga bagay talaga na kahit ilang taong mong pag-isipang bigyan ng patawad ay sadyang hindi sila karapat-dapat na patawarin. May mga bagay na kahit ilang beses mo mang subukang kalimutan ay sadyang naka-tatak ito sa isipan mo na parang isang markang hindi nabubura.
It is not easy to just forgive and forget, anyway.
At 'yon ay ang ginawa ni Daddy.
"Khiane... natutulog ka pa ba?" Napatingin ako sa screen ng iPad ko nang marinig ang tanong sa akin ni Tita Aria na ngayon ay kausap ko thru video call.
I suddenly had the urge to stop typing. My lips formed a smile.
"Oo naman po, Tita... hindi ako magiging maganda kung hindi ako magkakaro'n ng beauty rest." Sinubukang ko pang tumawa upang kumbinsihin siya.
Dahil ang totoo ay hindi pa ako natutulog nang maayos.
"That's not your smile. It looks fake, 'nak," umiwas ako ng tingin sa kaniya at muling nag-tipa sa aking laptop na kagabi ko pa kaharap.
BINABASA MO ANG
Beneath Those Glasses
RomanceGxG | ProfxStudent | Stand Alone (Estrella University Series #1) Khiane Courtney, or who they call KC, was studying not so peacefully at Estrella University. She was a BS Nursing student who aims to be the best, more like, the bestest. Khiane wears...