Chapter 39 (Part 2)

10.7K 258 32
                                    

Khiane Courtney's POV

2 hours after their surprise, my friends and my girlfriend's friends decided to drink. Kaya naman nang magpaalam na ang mga matatandang bisita at iba pang bisita na hindi gustong uminom ay agad na lumabas sina Addy upang bumili ng mga alak.

They were asking me to drink, too, but I wasn't in the mood for a drink. Sabi ko sa kanila ay sila na lang, makikisama na lang ako sa kwentuhan para kahit papaano ay entertained pa rin sila dahil birthday ko.

Mabuti na nga lang ay may stocks kami ng jack daniels x coke, iyon ay pwede kong inumin. Wala kasi talaga akong balak uminom dahil paniguradong may plano si Aly para kinabukasan.

Sa totoo lang ay hindi ko rin talaga napansin na birthday ko na pala. Gano'n daw talaga iyon, sabi nila... na kapag masaya ka ay hindi mo na nararamdaman 'yong mga nag-daang araw.

Wala akong naihandang kahit ano sa birthday ko, dahil nitong mga nakaraang taon ay wala naman akong ganang mag-celebrate pa. Parang hindi kasi ako makahanap ng rason para mag-celebrate o mag-saya. Mas nakakaramdam pa ako ng urge na mag-celebrate kapag maganda ang kinalalabasan ng grades o kaya ng kompanya ko.

Sa ganoon na lang umiikot ang buhay ko noon, e. Pero nang dumating ulit si Alyona... parang biglang nagkaro'n ulit ako ng dahilan para i-celebrate 'yong ganito, o ganiyan. O kahit hindi na, basta kasama ko lang siya, ayos na sa akin.

Aly made my life brighter... para siyang liwanag sa dilim na nagbibigay sa akin ng chance para tignan 'yong kagandahan ng mundo. Parang siya 'yong nagtutulak sa akin na tumingin sa paligid, tumingin sa mundong hindi naman sa lahat ng oras ay masama.

Na hindi naman pala talaga cruel ang mundo... sadyang may mga bagay lang na nangyayari sa maling panahon at pagkakataon.

Alyona felt like the light at the end of the darkness.

My world is better with Alyona Desteen in it.

"Sarap ng pulutan n'yo, ah? Sisig? Saan kayo naka-hanap?" Tanong ko kina Ash nang makarating na sila galing sa labas.

Sinamahan ko kasi si Aly na magpalit ng damit. Ganoon na rin ako. Medyo natagalan nga lang dahil nagpapa-baby pa siya. Clingy siya e, bagay na gustong-gusto ko sa kaniya.

Masungit na abogada sa umaga, baby ko sa gabi.

'Di niyo kaya iyon. Sa akin lang siya baby.

"D'yan lang, sa kanto." Sagot ni Ashly habang naka-alalay pa kay Miss Dyanne. "Walang bilihan ng lemon, gagi..."

"Malamang. Alas tres na ng madaling araw, sana aware ka," sarkastikong sagot naman ni Adelaida Montecer-Mendoza kay Elorica Ashly. Kasalukuyang inilalagay nina Addy 'yong mga napamili nilang pulutan sa mga plato. Katulong niya si Rae at Miss Lia.

"Mama mo-" akmang papakyuhan ni Ash si Addy nang pitikin ni Miss Dyanne ang daliri niya, bagay na ikinatawa ko. "Sadista."

"I told you to stop cussing especially when you're in front of me, 'di ba? Hindi ka mapagsabihan, Elorica Ashly." Pagalit ni Miss Dyanne sa kasintahan.

Narinig ko naman ang pagpipigil ng tawa ni Adelaida. 'Yan tuloy ay nakurot sa tagiliran ni Miss Amaranth. Sinamaan siya ng tingin ni Miss Amaranth nang akmang magrereklamo pa ito.

Deserve.

"Aw! Masakit, love!" Ako naman ang napadaing nang hampasin ako ni Aly sa braso. Wala naman akong ginagawa!

"Stop stifling a laugh. You're teasing your friends." Aniya, itinuturo pa sina Addy. "And you, Ashly, stop messing with your girlfriend, really."

"'Di naman, ah! Joker ka ba, 'te? Love ko nga 'tong si Tasia ko, e..." masuyong yumakap si Ash kay Miss Dyanne na parang koala.

Beneath Those GlassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon