Chapter 12

8.9K 316 38
                                    


Khiane Courtney's POV

"Stay." Natigilan ako nang sabihin iyon ni Miss Alyona. I looked back to her and saw her closing her eyes now.

Bumalik na lang ako sa couch at saka inayos ang gamit ko. Nag-hintay ulit ako ng ilang minuto hanggang sa makumpirma ko nang tulog siya siya.

The whole time, I was using my phone and was checking her temperature from time to time. May mga oras na bumababa na ang lagnat niya pero may mga oras din na tataas ulit.

Katulad kanina, balot na balot siya ng kumot. Ang medyas nga na kanina ay inaaway niya, maayos nang nakalagay sa paa niya. Nakatulong din iyon para pagpawisan siya.

2 hours later, I decided to let her wait a hoodie para mas lalo siyang pagpawisan. Ang aircon nga ay hininaan ko na.

I found a hoodie just in front of her bed, nakita ko iyon habang nililinis ko ang kwarto niya. Kaya naman, inayos ko saglit ang kumot paalis sa katawan niya para suotan siya ng hoodie.

Ngayon ko lang nakita ang kabuuan niya. She was wearing a sando and cotton shorts. Kitang-kita tuloy ang makinis niyang balat. Kahit pa gano'n, ay iniwasan kong tignan siya nang matagalan.

Bakit parang uminit ang paligid?

Dahan-dahan kong sinuot ang hoodie ni Miss sa natutulog niyang katawan. Nag-ready nga ako ng unan just in case mahulog ang ulo niya sa pagkakahawak ko.

Akala ko ay magigising siya nang bigla siyang gumalay, napa-hinga ako nang malalim nang muli siyang pumirmi ng pwesto.

Tulog man ay napalitan ko siya ng hoodie kaya natuwa ako. It was already seven in the evening and I was starving!

Hindi ko alam kung magluluto ba ako o magoorder na lang! Ayoko naman kasing galawin ang kitchen ni Miss lalo na't wala namang permiso niya.

Okay naman ang mag-order pero hindi ko alam ang address dito!

I was about to get a glass to drink some water when I heard the telephone rang. Bahagya pa akong napatalon. Dahan-dahan naman akong lumapit doon bago sagutin.

"Good evening, this is Estrella residence, how may I help you?" I formally said.

Alam kong mali ang sagutin ang tawag na 'di naman para sa akin, pero tulog si Miss kaya ako muna ang spokesperson niya for today.

"Aly?" Nanigas ako nang hindi pamilyar na boses ang narinig ko! Para siyang boses ng matanda pero malambing iyon!

"I apologize, Ma'am, but Miss Estrella's currently sleeping..." I bit my lower lip.

"O-oh? Are you, perhaps, one of her friends?" Tanong ng kausap ko mula sa kabilang linya.

"Y-you can say that, Ma'am," ngayon naman ay sa daliri ko Aki napakagat. Miss Aly will kill me kapag nalaman niya ito!

"Thank goodness!" Rinig kong sabi niya. "Aly's safe, Callisto!" Nabuhayan ako nang marinig ang pangalan ni Director Estrella.

Ah! Baka Mommy ito ni Miss!

"Could you please take care of her for a while? We'll be there in five..." Mahinhing sabi ni Mrs. Estrella kaya naman tumango ako kahit hindi niya nakikita.

"Will do, Mrs. Estrella, hintayin ko na lang po kayo."

"Alright, thank you." Aniya bago ibaba ang tawag. Para akong nabunutan ng think sa lalamunan nang malaman na parents lang pala ni Ma'am iyon!

Pero parang may bumara ulit nang may marealize.

Mami-meet ko na in person ang parents ni Miss Aly! Hala! Meet the parents agad?! Oh my god, I didn't sign up for this!

Beneath Those GlassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon