KABANATA XXXII

4.9K 275 123
                                        

(Not Edited)


Ang lamig ng hangin at ang malinis na amoy ng paligid ang unang sumalubong sa amin nang makarating kami ni Frankie sa lugar. Hindi ko alam kung nasaan kami, pero malawak ang damuhan, napapalibutan ng mga puno, at nasa gilid kami ng isang bangin.


Sa harap namin, papalubog ang araw. Kulay kahel at ginto ang langit, habang dahan-dahang nilalamon ng dilim ang dagat sa ibaba.


"Wow... ang ganda dito," mahina kong sabi, halos pabulong, na parang ayokong masira ang katahimikan.


Hindi agad sumagot si Frankie.


Tahimik lang siya, nakatayo, nakatingin sa malayo. Parang ang dami niyang iniisip, pero hindi ko mabasa kung ano.


Umupo kami sa ilalim ng isang puno. Binuksan namin ang mga lata ng inumin na binili namin sa convenience store. Umalingawngaw ang tunog ng pagbukas, saka muling bumalik ang katahimikan.


"I like this place," sabi niya, hindi pa rin inaalis ang tingin sa dagat. "There's no one around. I can be whoever I want to be here... and the view—" bahagya siyang huminga, "—it feels real. It's something I needed for the rest of my life."


Napangiti ako nang kaunti.


"Naalala ko tuloy yung sa San Rapael," sabi ko. "May spot din ako doon. Ako lang ang madalas pumupunta. Tahimik, malamig ang hangin... tapos kitang-kita mo buong barangay namin. Parang... kahit maliit lang yung mundo ko, buo pa rin."


"Really?" biglang nag-iba ang tono niya. Mas magaan. "You should bring me there sometime."


"Of course," mabilis kong sagot. "Ngayon ko lang nalaman na mahilig ka pala sa ganitong lugar."


Biglang dumaan ang isang malamig na hangin. Napapikit kaming pareho sa lamig nito. Humaplos iyon sa balat ko, parang hinuhugasan lahat ng pagod at ingay ng lungsod.


Napabuntong-hininga ako.


Hindi ko akalaing may ganitong lugar pa sa loob ng siyudad.


Sumulyap ako kay Frankie—


At doon ako natigilan.


Nakatitig siya sa akin.


Hindi yung simpleng tingin lang. Malalim. Diretso. Parang may gustong sabihin pero hindi mabigkas.


At hindi niya iniiwas ang mata niya, kahit halatang nahuli ko na siya.


First time.


"F-Frankie..." putangina, bakit ako nauutal?


"You know I hate you," bigla niyang sabi.


Burn For MeStories to obsess over. Discover now