KABANATA XXXIV

4.2K 155 286
                                        

(Not Edited)



"Yaaahhhh! Bungang araw kooo!"


Parang may sumabog na sirena sa mismong tabi ng tenga ko. Pagkababa ko pa lang ng bus sa terminal ng San Rafael, iyon agad ang bumungad sa akin.


Si Star.


Nakataas ang dalawang kamay nito habang papatakbo palapit sa akin na para bang ilang taon kaming hindi nagkita.


Napapikit ako. "Ayan na naman siya."


Bago pa ako makaiwas, nakayakap na agad ito sa akin.


"I miss you! Mwah! Mwah! Mwah!" Sunod-sunod ang tunog ng halik na ipinupunas niya sa magkabilang pisngi ko.


"Ew! Tigilan mo nga ako, Bituin!"


Agad kong pinunasan ang mukha ko habang umiiling.


Tawang-tawa naman ang bruha.


"Walang germs 'yan. Premium quality kisses 'yan."


"Mas lalong kadiri."


Saka ko napansin ang isa pang taong nakatayo sa tabi niya.


"Sofi?" tanong ko.


Ngumiti ito.


"It's nice to see you again, Sunnie."


Lumapit siya at niyakap ako nang marahan.


Mas kalmado ang yakap niya kumpara kay Star na parang gustong durugin ang mga tadyang ko sa tuwing magkikita kami.


"Hi, Sofi."


"We should leave already," sabi niya habang sumisilip sa sikat ng araw. "Ang init."


Natawa na lang ako kasi sanay naman ako sa ganyang ugali niya.


Kung si Star parang golden retriever na nakawala sa tali, si Sofi naman parang modelong aksidenteng naligaw sa totoong buhay.


Nang isakay nila ako sa sasakyan, saka ko naisip ang isang bagay. Akala ko kaming dalawa lang ni Star ang magbabakasyon. Bakit kasama si Sofi? At kung kasama si Sofi... May posibilidad bang kasama rin si Frankie? Napangiwi ako.


Hindi ko ma-imagine kung paano napapayag ni Star ang babaeng iyon na sumama sa outing. Pero dahil si Sofi ang kasama, hindi imposibleng siya ang may kagagawan.


Hindi ko na muna inisip iyon. Dalawang araw lang naman ako rito. At kung tutuusin, hindi ako makakatanggi kahit gusto ko. Halos isang linggo akong kinulit ni Star.

Burn For MeStories to obsess over. Discover now