(Not Edited)
My heart is racing.
All I can think of is Cornelia. Nagagalit ako sa sarili ko. Nagi-guilty ako. But at the same time, natatakot ako sobra. There's this fear inside me na hindi ko ko maalis-alis.
I can't do this to her.
Napalakas na ang pagkurot ko sa sariling braso. Kailangan ko 'to. Kailangan kong maramdaman ang sakit, pero wala akong maramdaman. I know I'm in trouble, and it's something I needed to face, whatever happens.
Napalingon akong muli kay Frankie. She's not talking anymore. She's just looking straight into the road. Bigla itong lumingon sa akin at mabilis akong umiwas ng tingin.
Hindi ko magawang tingnan ito sa mata. Alam kong ang nararamdaman ko para sa kanya ay hindi hihigit sa pagkakaibigan. Pero bakit sumunod ako sa ginawa niya? Hindi ko rin maramdaman ang galit sa kung ano man ang nangyari. Bagkus ay sa sarili ko lang.
Dapat magalit ako. But fuck! Aarrgh!
Mababaliw na ako sa kakaisip at sa halo-halong emosyon na dumadaloy sa buong pagkatao ko.
Maya-maya lang ay narinig na namin ang tunog ng papalapit na sasakyan. Mabilis kaming naging alerto ni Frankie at handa nang magtago sa damuhan nang bumusina ang sasakyan nang sunod-sunod at narinig kong tinatawag ang pangalan naming dalawa.
Nanigas ako sa kinatatayuan ko.
Narinig ko ang boses ni Winter, ngunit ang nagpatakot sa dibdib ko ay ang boses ni Cornelia.
I started scratching my arms again. Still no pain.
Why am I not feeling anything?
"Frankie! Oh my god!"
Bumaba mula sa passenger seat si Winter at dali-daling pinuntahan si Frankie. Mabilis nya itong niyakap at sinakluban ng tuwalya nang makita nya ito.
Hindi ko na masyadong narinig ang usapan nila nang maamoy ko na ang paboritong pabango ni Cornelia. It smells of peaches and apples.
"Baby..."
She immediately wrapped me in her hug. Nakatingin lang ako sa mga paa namin. Her expensive shoes are muddy, ngunit wala itong pakialam.
Hindi ko na marinig ang mga sumunod na sinabi nito. Natulala ako sa buong biyahe pabalik sa resort.
Narinig ko na lang ang pag-click ng pinto noong nasa loob na kami ng villa na tinutuluyan ko.
Kami.
Cornelia is here.
My god.
I need help.
"Sunnie, come on! Wake up!"
Niyuyogyog na ako ni Cornelia, but all I can do is look everywhere but her. I am lying on the sofa at sya naman ay nakaluhod sa gilid ko. I'm ashamed of myself. I ruined everything.
How can I fucking do this to us?
"Mierda! Please, baby!"
Naramdaman ko na lang ang pag-angat nito ng aking panga at ang mainit nitong labi sa sumunod nitong ginawa. Doon ako natauhan. I pushed her away.
"C-Cornelia..." I said while my hands were shaking on her shoulder.
"Are you here with me now?" Inayos nito ang natitirang basang buhok na tumatakip sa mata ko at isinuksok sa tainga ko. "Do you need anything? I'll help you wash up—"
YOU ARE READING
Burn For Me
RomansaAfter suffering a tragic memory loss, Sunnie Rae, also known as Paeng, lived a simple and happy life among the aged in an institution for the elderly. Following her dream to become a successful Master Chef was never a piece of cake. Her godly tongue...
