(Not Edited)
"Anong ibig mong sabihin?"
Hindi ko halos marinig ang sarili kong boses sa loob ng kotse. Tahimik ang paligid, tahimik ang makina, pero ang dibdib ko parang may kumakatok na hindi mapakali.
Umiwas siya ng tingin sandali, saka huminga nang malalim, inaayos ang mga salitang sasabihin. She's always like that, calculating.
"I mean, it's not about time," she said, calm but certain. "It's about who you are when no one is watching. I've seen that version of you."
Dapat panatag na ako doon. Dapat sapat na. Pero may kung anong kumakagat sa loob ko na ayaw magpatalo.
"B-Bakit ako, Cornelia?" bigla kong tanong, mas mabilis kaysa sa kaya kong pigilan. "Alam kong natanong ko na 'to dati pero... hindi ako mapalagay." Napalunok ako, nakatingin sa dashboard. "Marami namang nakapila sa'yo. Bakit ako ang pinili mo?"
Saglit siyang hindi sumagot.
Naramdaman ko ang marahan niyang pagliko ng manibela, ang gulong na kumiskis sa graba. Doon ko lang napansin na nasa parking area na pala kami ng bahay niya. Ang ilaw mula sa araw at tumama sa loob ng sasakyan, sapat para makita ko ang profile niya.
Inalis niya ang seatbelt niya, saka ako hinarap. Dahan-dahan niyang kinuha ang kamay ko, hinaplos na parang ayaw akong biglain.
"But they're not you, Sunnie," she said softly.
Napatingin ako sa kanya. Diretso. Walang iwasan.
"Hindi 'yon sapat," matigas kong sagot, kahit ako mismo hindi sigurado kung anong gusto kong marinig.
Hindi siya nagalit. Hindi siya napikon.
Sa halip, mas lalo siyang lumapit ng kaunti, hinigpitan ang hawak sa kamay ko, parang doon niya ilalagay lahat ng sagot.
"The things you've done for me... I've never experienced them from anyone else," she continued. "Not even close. From the smallest things to the ones that actually mattered."
"Ones that mattered?" napaangat ang kilay ko, halos napatawa pa sa gitna ng kaba. "I've never even done anything—"
"You literally helped me fix problems in my restaurants, Sunnie."
Natigilan ako. Parang may nag-click sa ulo ko, pero hindi ko pa rin mahanap kung saan.
"But how—"
"You helped my Abuela," she went on, tuloy-tuloy, parang matagal na niyang kinikimkim. "You eased her trust issues with food. You took care of her even before we were together."
YOU ARE READING
Burn For Me
RomanceAfter suffering a tragic memory loss, Sunnie Rae, also known as Paeng, lived a simple and happy life among the aged in an institution for the elderly. Following her dream to become a successful Master Chef was never a piece of cake. Her godly tongue...
