(Not Edited)
Isang linggo mahigit pa lang ang nakakalipas simula nang magsimula kaming mag-OJT ni Frankie sa restaurant ni Cornelia, pero hanggang ngayon, hindi pa rin ako nasasanay sa paraan niya ng pagtrato sa akin sa loob ng kusina.
"Thinner slices, Sunnie. We are not butchering firewood."
"Who taught you to hold a knife like that?"
"Control the heat. You're murdering the stock."
Halos araw-araw, ganyan.
Sa bawat oras na magkasama kami sa kitchen, parang nakalimutan niyang ako ang taong inuuwian niya gabi-gabi. Parang nakalimutan niyang siya ang naghahanda ng pagkain ko kapag tinatamad akong bumangon sa umaga. Sa restaurant, wala siyang ibang tingin sa akin kundi isang intern na kailangang himayin at paulit-ulit na itama.
At nakakainis dahil ang galing niya roon.
Ang kusina ni Cornelia ay parang sarili nyang kaharian. Mainit at maingay. Tapos punong-puno pa ng pressure. Sumisingaw ang amoy ng mga ingredients na inaasikaso bago ang service, sunog na herbs, at bagong lutong mga tinapay habang nagsasalpukan ang tunog ng mga kawali at plato.
Pero kapag nagsalita si Cornelia, biglang tumatahimik ang lahat.
"Fire table six."
"Refire the risotto."
"No, no, no. Start over."
Hindi siya sumisigaw. Hindi niya kailangan. Iyong klase lang ng boses na sanay sundin.
Nakakatakot siyang panoorin habang nagtatrabaho. Lalo na kapag seryoso siya. Nakatali ang mahaba niyang buhok, nakatupi ang manggas hanggang sa siko, at may manipis na pawis na bumabakat sa leeg niya dahil sa init ng kitchen. Mabilis gumalaw ang mga kamay niya. Parang bawat galaw, ilang taon pinag-aralan.
She still looks like a goddess, though. Hindi nababawasan ang kagandahan nya kahit may konting pawis. And to be honest, she smells good kahit babad ito sa kusina ng ilang oras.
Samantalang ako, ubos na ubos na pasensya ko.
"Chef, okay na ba 'to?" pigil kong tanong habang hawak ang plated appetisers.
Hindi man lang siya agad tumingin.
"No."
Napapikit ako. "You didn't even look."
"I don't have to."
"Cornelia," mahinang banggit ko nang may pagbabanta. Oh diba, akala mo ako ang boss saming dalawa.
YOU ARE READING
Burn For Me
RomanceAfter suffering a tragic memory loss, Sunnie Rae, also known as Paeng, lived a simple and happy life among the aged in an institution for the elderly. Following her dream to become a successful Master Chef was never a piece of cake. Her godly tongue...
