(Not Edited)
Hindi ko na maalala kung paano nila akong napapayag na labanan sila sa food cooking challenge. Or maybe it's really inevitable. Parang apoy na kahit pigilan mo, hahanap at hahanap ng paraan para kumalat.
"My god, Sunnie! What had gotten into your head?" Iyan agad ang bungad ni Naomi sa akin kinabukasan after ng meeting ko with the Rank. "Kalat na kalat sa school na lalaban ka sa Rank 10. Are you nuts?!"
"Ah hehe..." napakamot na lang ako sa sariling batok. "Hindi ako makahindi eh," natatawa kong sagot.
"Do you even know what it takes to be able to compete with any of them, huh?!"
Kunwaring nilinisan ko ang tainga ko. "Aray, ang lakas ng boses mo."
"Ikaw kase!" She even stomped her feet. Malinaw na hindi ito masaya sa naging desisyon ko.
"Okay lang 'yan. Magpapagalingan lang naman kami sa pagluluto."
Binalatan ko ang saging na baon ko, tapos ay masaya kong kinagatan iyon. Yummy. Bigay ito ni Cornelia bago kami umalis ng bahay.
She loves giving me fruits bago umalis. Either strawberries, mangoes, apples, or bananas. Madalas, nabalatan na o nahiwa na at nasa isang secure na lalagyan na rin.
"I knew it." Walang buhay na ang boses nito. Tila ba sanay na sya sa mga ganitong pangyayari. O baka pagod na sya. Ewan, bahala sya diyan.
"Bakit ba?" tuloy lang ako sa pagnguya ng saging.
"They're gonna eat you alive, Sunnie. I'm telling you now, baka pwede ka pang mag-back down. Sasamahan kita at kausapin natin ang council para humingi ng tulong na pigilan ang laban mo—"
"Huh? Bakit naman hindi itutuloy?" Tinapon ko ang balat ng saging sa malapit na trash bin samin.
"Argh! You really don't know?!" sinundan lang ako ni Naomi habang may hand gestures pa itong alam mong naiinis na.
"Ang alin?"
"Na may nakataya sa laban na 'yon!"
Kumunot ang noo ko. Hmm...
"Wala naman silang sinabi nyan," hinawakan ko ang sariling baba na parang nag-iisip.
"Of course they won't say it now! Sa mismong laban, sasabihin kung anong nakataya. You have to think what you want to get from them and vice versa."
"Ah, ganon ba? Paano 'yan, wala naman akong pera?" I mentally calculated kung may laman pa ang bank account ko. Matagal na rin kasi akong hindi nagpa-part-time sa Cafe House. Wala nang kita. Siguro tira na lang galing sa allowance ko sa scholarship ang laman no'n. Probably less than 1k?
Yikes. I'm so poor.
"It's not always about money. You can be a slave, a puppet, kicked out of this school, or anything that they want to do with you. Please take this seriously! There's a reason kung bakit matagal nang walang gustong makalaban sila."
Napangisi ako at sunod ay napatawa ako nang malakas. Hindi maipinta ang mukha ni Naomi ngayon.
Hindi ko maipaliwanag, pero may kung anong apoy ang unti-unting umuusbong sa loob ko.
"Alam mo, Naomi, kung tatanungin mo ako kung anong nararamdaman ko, ang maisasagot ko lang ay..." hinawakan ko ang mga balikat nya saka niyugyog ito, "sobrang excited na ako!"
Halos malaglag sa sahig ang panga nito sa naging reaksyon ko at sa pagtalon-talon ko ng pakengkoy.
Pero hindi nga? Puwede nilang gawin ang kahit ano sa akin kapag natalo ako? Bigla akong kinilabutan. Jusko.
YOU ARE READING
Burn For Me
RomanceAfter suffering a tragic memory loss, Sunnie Rae, also known as Paeng, lived a simple and happy life among the aged in an institution for the elderly. Following her dream to become a successful Master Chef was never a piece of cake. Her godly tongue...
