KABANATA XXXVI

3.2K 201 75
                                        

(Not Edited)





Pakiramdam ko ay may bombang sumabog sa pagitan namin ni Cornelia.

 

Why would she say na wala si Frankie noong gabing iyon? And why would she say that I disappeared?

"H-Hindi 'yan totoo," nanginginig kong sagot, "hindi maari."

"Sunnie," she said softly, steady, "I have no reason to lie to you."

"Pero—" Napahinto ako, napapikit sandali, pilit hinahabol ang eksenang paulit-ulit sa isip ko. "Cornelia, sobrang linaw. Nandun si Frankie. Hinalikan niya ako... at hindi ako umiwas." Napalunok ako. "Hindi lang iyon. Umuulan. May humahabol sa amin. Kumidlat pa. Ramdam ko lahat."

My fingers started to scratch my own nails. This time, I can feel the sting.

"Tell me exactly what you remember," seryoso nitong pag-uudyok sa akin na ikwento ng maayos ang nangyari.

The scenario started to come back in my head. Unti-unting sumakit na naman ang aking puso. My face started to crumble, parang anytime ay pwede na itong lukutin sa sobrang pagkalungkot.

"C-Cornelia.. I cheated," humihikbi kong sagot.

Kung may inaasahan akong reaksyon, hindi iyon ang ibinigay niya.

"No, you did not, my love." Hinawakan niya ang mukha ko, marahan, parang ako ang maselang bagay sa kwarto. Pinunasan niya ang luha ko gamit ang hinlalaki niya. "You can never cheat on me. I know you."

Malamlam ako nitong tinignan. I looked into her eyes again. As I'm looking, the last words she said felt like something else-a deeper meaning.

I know you...


"Paano mo nasasabi 'yan?" napataas ang boses ko. "Paano ka sigurado? Ni hindi ko nga kilala ang sarili ko ngayon. Hindi mo ako kilala," pabulong kong sagot, pero mas masakit iyon kaysa sigaw. "Wala pang isang taon, Cornelia. Hindi sapat 'yon para sabihin mong imposible akong magkamali nang ganito."


"Hey, don't be too hard on yourself—"

"Is fíor-amadán mé!" Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang mga palad ko saka humagulgol. "Bakit mo sinasabing hindi 'yon nangyari? Ang linaw-linaw, Cornelia. Nandito lang—" tinapik ko ang ulo ko, halos masaktan na, "—nandito lang 'yong nangyari." Napailing ako at napahawak sa dibdib ko, halos di ako makahinga. "At kahit sabihin mong hindi iyon totoo, ginawa ko pa rin sa isip ko. Nararamdaman ko pa rin. Hindi ako puwedeng magkamali nang ganito kalala."

"Sshh..."

Hindi niya ako pinatigil. Hindi rin niya sinubukang ayusin agad ang mga salita ko. Hinayaan niya akong maglabas ng sama ng loob, kahit paikot-ikot, kahit wala nang direksyon ang mga sinasabi ko. Hinaplos niya ang mga braso ko, paulit-ulit, parang iyon lang ang paraan para ipaalala sa akin na nandito pa rin ako, na hindi pa ako tuluyang nalulunod.

Pakiramdam ko, bibigay na ang puso ko.

I'm scared. Sa posibilidad na iwan niya ako kapag naniwala siya sa pinaniniwalaan ko tungkol sa sarili ko.

I don't know for how long I've been crying. Naging mabigat ang katawan ko. Lahat ng lakas ko ay ginamit ko na sa pagtanggi, sa pag-amin, sa pagdududa. Hanggang sa wala na akong masabi at pagod na lang ang natira.

Hindi ko na maalala ang lahat ng sinabi ko. Pero si Cornelia, hindi siya umalis. Hindi siya nagsawa.

Hinintay niya lang ako.

Burn For MeStories to obsess over. Discover now