Chapter 30

3.6K 132 7
                                    

A/N: Waah! super thank you! sa inyo guix. Akala ko kasi no on wala na talagang magbabasa neto. Pero hindi ko akalain na aabot ito sa 700 reads. Okay! lang kahit sabihin niyong ang babaw ng kaligayahan ko. Pero para sakin, sapat na to! First time ko lang kasi gumawa ng story at di ko akalain na may magbabasa pa neto. Hihihi! Thank you thank you talaga! ^_^!

______________________________________________

Abby pov

Nandito na kami sa school. Akala ko pa nga kanina, late na kami yun pala wala pa yung adviser namin at yung sasakyan namin na bus.

"Abby! long time no see!"

Waa! si Harry! super namiss ko talaga ang mokong nato. Saan kaya ito nagsususuot? at di ko to nakita sa school.

"HARRY!!!!!!"

Patakbo akong yumakap sakanya. Nagulat pa nga siya sa ginawa ko.

"Oh! anong nangyari sayo?"

"Waa! ako dapat ang nagtatanong niyan sayo eh! anong nangyari sayo at di kita nakikita sa school?"

"Kasi ipinadala ako ni Donya dun sa kumare niya raw na may apo, para gawing tutor. Kasi nga matalino ako!"

Hmmm...ang hangin talaga pero okay lang kaibigan ko kasi eh.

"Oooooh! mabuti naman. Eh si Joy?"

"Si Joy! ayun sinundo ng parents niya, papatransferin yata."

"Ay ganun?!"

Sabi ko nalang tapos nagkwentuhan lang kami. Tagal kasing dumating nung bus eh. Nakakatawa talaga tong making nato, daming alam sa buhay. Hahaha!. hanggang sa di namin namalayan na dumating na pala ang bus. Tinawag narin kami ng teacher namin para sumakay na.

"Abby! tapad ta ha? (tabi tayo ha?)"

"Oh! Sure! ^_^"

Hindi pa man ako nakakaupo, bigla nalang may sumigaw dun sa likurang upuan ng bus. Kaya naman napalingon kami agad sa kung sino mang Pontio Pilato ang nagsalita.

"Ano ba? Wala ka bang utak? o sadyang bobo ka lang talaga! Tsk!"

"Eeeh! wala namang nakaupo dito eh!"

Hala ang rude naman ni Gavin, kaya lang OA rin kasi yung babae eh. Hahaha! bahala nga kayo diyan. Umupo nalang uli ako katabi ni Harry.

"Wth! Get the fuck! out of my sight!"

"Omygosh! Gav! Ano bang ginawa ko sayo? ba--kit ayaw mo akong paupuin dito?"

This time lahat na ng mga classmates namin ay nakikinig at pinapanood na sila.

"Ka--kasi may nakaupo na rito!"

"Tell me sino? si Matthew ba? ha? okay magpapaalam ako sakanya!"

"Hindi siya!"

Tsk! agaw pansin! makakain na nga lang. Eh sa hindi na ako nakakain ng agahan eh. Haist!

"Sino?"

"Si--si---"

"SINO???"

"SI GABBY!!!!"

*ehem* *ehem* *ehem* bwesit na Monster to! muntik na akong mabulunan eh. Kaya naman agad akong binigyan ni Harry ng tubig. Aish!

____________________________________________

Victoria pov

Geez. Kainis kainis! Napahiya na nga ako, Gabby parin ng Gabby tong si Gavin. Ano bang nasa Abbygaileana na yan na wala ako. Eh ang panget nga niya eh, at ewww Probinsyana ang dating. Grrr. I hate you! Gavin and Abbygaileana. You're gonna pay for this. Just wait and see.

_____________________________________________

Short update lang po muna! hehe! Enjoy!

My Probinsyana Slave (slowly updating)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon