Chapter 1

12.5K 346 18
                                    

Abbygaileana pov

Ang sarap talaga nang simoy nang hangin dito sa probinsya namin. Napaka presko at malamig na wari'y makakatulog ka dahil parang animo'y dinuduyan ka upang magtulak sayo na magpahinga..

Opps! anong oras na ba? kailangan ko na mag saing. At dahil dun, kinuha ko na ang kaldero at hinugasan nang maigi, pagkain namin ang nakataya rito. Tapos kumuha ako nang apat na tasang bigas at inilagay sa kalderong nahugasan ko na, at maiging hinugasan ang bigas sa malamig na malamig na tubig.

Tapos nagsibak muna ako nang kahoy, para gawing panggatong o tinatawag to sa aming (sugnod) Bisaya kasi kami pero marunong rin namang kami magtagalog. At pagkatapos ko makagawa nang apoy ay inilagay ko na ang kalderong may bigas na tapos nang linisan at readyng ready na lutuin..

Pagkatapos nun ay dumiretso ako sa kwarto ko at kinuha ko ang bag kong nakapatong sa lamesa, na malapit lang sa higaan ko.. Binuksan ko ito at kinuha ang mga aklat at notebook ko..

Bumalik ako sa kusina namin at umupo sa hapag kainan at nagsimulang magbasa.. Nang may narinig akong sumisigaw palapit sa kinaroroonan ko.

"Abby! Abby!"

Sigaw nung boses nang lalaki, huhulaan ko. Si Harry na naman to palagi kasi yung nasigaw eh! haha..

Nang maka abot na siya rito ay agad siyang pumasok, napaka walang hiya talaga nang lalaking to hindi man lang nagpaalam sakin kung pwede bang pumasok.. Tss.

"Oh? Unsa man? (ano yun?)" bungad na tanong ko sakanya..

"Pwede mo inom ug tubig? (pwede uminom ng tubig?)" psh. yan lang ba talaga ang pinunta niya dito? ang uminom ng tubig? tsk.

"Sige!" yan nalang nasabi ko, kasi alam ko naman na sa ayaw at sa gusto ko iinom talaga yan nang tubig dito. Napailing nalang ako.

"Hoy! anong ginagawa mo?"

Tanong sakin ni Harry pagkatapos niyang hugasan ang basong ininuman kanina, kasi nagbabasa ako nang mga libro namin at sinusulat ko ang mga mahahalagang mensahe o ideya kumbaga.. tinignan ko lang siya tapos balik sa ginagawa ko..

"May assignment ba tayo?" pahabol pa niyang tanong sakin.

"Wala naman" sagot ko sakanya nang hindi man lang lumingon.

"Ehh! ba't ka nag aaral?" psh. ang kulit talaga niya.

"Kasi sabi ni Mama, kukuha daw nang outstanding student sa paaralan natin, ang amo niya! kaya pinagbubutihan ko ang pag aaral ko.. at kung sino man ang mapili nila ay papag aralin sa Maynila at sa isang magandang paaralan!"

This time nilingon ko na siya at tinignan diretso sa mga mata niya.. at ngayon ko lang na realize na brown pala mata niya.. pero kahit ganito tong lalaking to mahal ko parin to.. bilang KAIBIGAN, bestfriend kasi kami neto. Simula bata palang..

"Ah! talaga? at pano kung ikaw ang makuha?" sabi niya habang nakatingin parin sakin.

"Edi masaya!" ngiting ngiti ko pang sabi sa kanya.

"Tsk. sabihin mo sakin hah? kung saang paaralan ka nila papaaralin. Para dun din ako mag aral, para magkasama parin tayo!"

Psh. Childish parin tong si Harry, kahit kailan talaga..

"Oo na!" sabi ko nalang sakanya at ginulo ko ang buhok niya. Kaya lang nag pout lang ang mokong. Anyare?

*****

VOTE. COMMENT. FOLLOW

thanks.

My Probinsyana Slave (slowly updating)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon