A/N: Yoreubeun annyeong! ;) another update for MPS. And jebal! read my other story CAMPUS CRUSHES, still it is ongoing. Komawo!
_____________________________________________
Abby pov
*yawn* Ang sarap pa matulog kaso baka maiwan kami ng bus. Ngayon kasi yung araw ng camping namin. Oo, magcacamping kami. Ewan ko nga dun sa homeroom teacher namin. At anong nakain niya, at magcacamping kami. Tsk!
Buti nga at nakapag empake na ako kagabi. Kaya naman niligpit ko na yung higaan ko, pagtingin ko sa wallclock. Tsk! 3:00 AM pa, haist! kundi lang grades ang basehan dito. Malamang sa mga oras ngayon, ay tulog pa ako. Pagkatapos kong magligpit at chineck ang mga dala kong gamit, incase may naiwan ako ay naligo na ako. Pagkatapos kong magbihis ay pinuntahan ko na si master.
*tok tok tok*
Aish! ang tagal naman ni master, buksan yung pinto. Malelate na kami oh. Tsk!
*tok tok tok*
Kainis! Last na talagang katok to. Kung hindi pa niya to bubuksan, papasok na talaga ako. Bumuntong hininga muna ako bago kumatok. Okay! Fighting! ^_^.
*tok tok tok*
Ayaw mo ha? Pwes pumasok. Pinihit ko na yung door knob at OMO!! O___O. Hindi naka lock, sa wakas nakapasok na ako. Iniwan ko nalang na nakabukas ang pinto. Baka kasi pag pagalitan niya ako, madali lang akong makalabas. Hohoho! ang talino ko talaga. ^_^! lol.
Dahan dahan akong naglakad, na parang magnanakaw. Hihihi! Nagpalinga linga ako at laking gulat ko dahil wala si Monster sa kama niya. Halaaaa!! asan kaya yun? baka iniwan na niya ako. Huhuhu! T___T napakawalanghiya naman niya kung ginawa niya yun.
Nakarinig ako ng kung ano sa CR niya. Oh noes! baka momo, white lady? or di kaya bigla nalang may lalabas na ulo sa toilet bowl. Yuckkk! .. Haist! mukhang iniwan na talaga ako ni monster. No choice hahabol nalang ako.
Palabas na sana ako sa kwarto niya, kaya lang may isang boses ang nagpawindang sakin. Kaya automatic na napalingon ako. Pero wrong move kasi mas lalong nawindang ang buong sistema ko.
"Anong ginagawa mo dito!"
"WAAAAAAAAAAHHHHHHHH"
Pano ba naman, topless siya. Tapos nakatapis lang siya pababa. Wet ang hair at aaminin ko, ang hot niya tingnan. Scratch that! anong nangyayari sayo Abby. Tumalikod ka at pumikit dalii. Kaya naman napatalikod kaagad ako at pumikit.
"So--sorry, ma--mas--ter, gigisi--ngin lang sana ki--kita eh!"
Omygosh! >/////< Waaah!!
"Ang ingay mo! Lumabas ka na. Magbibihis lang ako! Hintayin mo nalang ako sa sala.!"
O______O Wait? magbibihis raw siya Abby, umalis ka na. Pero yung katawan ko nasa state of shocked pa.
"Hoy! Gabby sabi ko hinta-- Oh, baka gusto mong panoorin akong magbihi--"
Bago paman niya matuloy yung sasabihin niya. Ay agad akong napatakbo sa pintuan at binalibag ito.
"WAAAAAAAAAHHHH!!"
*blag*
Pagkalabas ko ay agad kong hinabol ang hininga ko. Hooooo~ aba't loko yun ah. Anong akala niya sakin, pervert? Argh! kainis ha! . Tsk!
___________________________________________
BINABASA MO ANG
My Probinsyana Slave (slowly updating)
Novela JuvenilAno kayang mangyayari kung ang isang PROBINSYANANG BABAE magtatagpuan ang isang GWAPONG MAYAMANG PLAYBOY NA LALAKI?? Magkakaintindihan kaya sila? O palagi nalang ba silang magbabangayan?