A/N: Sorry sa matagal na update guys!
-------------------Abby pov
"Gabby! pwede ba kitang ligawan?" muntik ko nang maibuga ang kinakain ko ng sabihin yun ni Gavin. Dito mismo sa hapagkainan.
"Oh, tubig" at walang sabi sabi tinungga ko kaagad ang baso ng tubig na binigay niya saakin. Shete! to.
"Sorry nga pala kung nabigla kita."
Ohmygat?! Is it real, Is it real?
"Ahh..." yan lang yung nasabi ko.
"Pero seryoso Gabby, liligawan talaga kita." hala! seryoso nga siya. Ano ba yan, bakit kinikilig ako.
---
Nakakatakot naman yung tingin ni Victoria sakin. Parang pinapatay niya akong ng 100x sa utak niya.
Pano kasi tabi ng tabi sakin si Gavin, kanina nga siya pa ang nagbuhat ng mga gamit ko. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga estudyante rito.
Tulad nalang ngayon nakasandal ang ulo niya sa balikat ko, habang natutulog buti nalang wala kaming klase ngayon dahil may orientation ang mga teachers tungkol sa graduation ceremony namin.
"Gavin may tumatawag sayo!" sabi ko sakanya, nagvibrate kasi yung phone niya sa table. Napabangon naman siya bigla at tinignan kong sino ang tumawag, base sa mukha niya nag aalangan pa siya kung sasagutin niya ba ito o hindi.
"Sagutin mo na, baka importante eh." Sabi ko at tumango naman siya at lumabas.
-----
Gavin pov
Ano na naman kayang kailangan ni Daddy sakin? Bakit napatawag na naman siya.
"Gavin! May good news ako sayo!" bungad niya agad saakin ng pindutin ko ang answer button.
"Oh, ano naman yun!" bored kong sagot.
"May magbabalik, guess who?"
Psh! Hindi ako manghuhula kaya hindi ko alam. Kainis.
"Oh, I guess hindi mo alam. Haha!"
Ano bang nangyayari kay daddy? Bakit nagkakaganito ito?
"Sino?"
"Si Lian Kim." napatahimik ako bigla, bakit babalik pa siya?
"Hindi ka ba excited na makita ulit siya?"
"Uhm... Kailan raw?"
"Hindi ko alam pero sabi ng daddy niya, babalik raw sila dito."
Aish! Lian sana nagbago ka na.
"Sige na, may meeting pa ako." pagkasabi niya nun inend call na niya.
Ano na naman kayang plano ni Lian at bakit naisipan niyang bumalik rito. Biglang nagsink in yung sinabi niya saakin no on.
flashback
"Gavin oppa!, ayaw mo ba talaga sakin?" tanong niya, nandito kami sa playground kung saan kami palaging naglalaro.
"Sabi ko nga sayo, hindi kita crush! Yung pinsan mong bisaya yung crush ko." sabi ko sakanya.
12 years old palang kami nun, ng sabihin niyang gusto niya ako. Pero hindi talaga siya ang gusto ko eh. Yung pinsan niyang si Leana, ang cute at palaban kasi niya. Tsaka yung language niya rin, ang cute.
"Uwaaaaaaaah!" nataranta ako ng bigla nalang siyang umiyak. Napaka iyakin talaga niya, yan ang kinaiinisan ko sa kanya eh. Ang ingay kasi.
"Hoi, bakit ka umiiyak, eh sinasabi ko lang naman yung totoo sayo eh!"
"Eh kasi ayaw mo sakin, bakit si Leana pa. Mas maganda naman ako sakanya eh."
"Ewan basta siya talaga ang crush ko."
"Basta akin ka lang Gav, papakasalan talaga kita. Pag laki ko magpapaganda ako lalo para magustuhan mo ako." sabi niya, kaya kinilabutan ako. Psh! possessive.
"Lian!! kakain na raw!" napalingon ako sa boses na biglang nagpapabilis ng tibok ng puso ko. Ang ganda talaga niya, ang amo ng mukha kahit ang baduy manamit pero maganda parin siya.
"Hi! Leana!" sabi ko. Kinakabahan ako.
"H...hi... Gavin. Oi Lian tara na." sabi niya.
Tumayo naman sa swing si Lian at tumango, nauna ng maglakad si Leana. Parang gusto ko siyang sundan, pero bago ko paman nagawa yun ay may sinabi sakin si Lian na nagpainis sakin.
"Tandaan mo Gavin, never na magiging kayo ni Leana. At babalikan kita dahil ako ang nakatakda para sayo." at inirapan niya ako bago umalis.
Psh! ang immature niya. No doubt ayaw ko talaga sakanya.
end of flashback
*comment kayo guys if may nabubuo ng thoughts sa utak niyo kung sino si Leana. Awieeeee!
BINABASA MO ANG
My Probinsyana Slave (slowly updating)
Novela JuvenilAno kayang mangyayari kung ang isang PROBINSYANANG BABAE magtatagpuan ang isang GWAPONG MAYAMANG PLAYBOY NA LALAKI?? Magkakaintindihan kaya sila? O palagi nalang ba silang magbabangayan?