Chapter 49

2.9K 97 9
                                    

A/N: Hi guys! binasa ko ulit itong MPS at sorry talaga dahil ang dami palang typos. Oh~ ako'y inyong patawarin sana. Haha!

----
Abby pov

Nandito kami sa Jollibee ngayon kumakain ng lunch. Takam na takam pa nga yung dalawa naming kasama ni Bethany. Hahaha! parang mga bata lang.

Kanina nga habang umoorder sila ang raming babaeng napapatingin sa kanila. Pano ba naman kasi, ang gu-gwapo eh.

Pagkatapos naming kumain ay naglakad lakad muna kami. At nauuna na namang maglakad sa amin ang dalawa.

"Besty, back to my question kanina. Tell me the truth."

Sabi ni Bethany, habang nakapulot sa akin ang kamay niya. Eeeh, sasabihin ko ba o hindi.

"Eh...ka....kasi, wag mong sasabihin sa iba ha? oo mahal ko na siya pero hindi pa masyadong mahal na mahal talaga. Ay ano ba yan ang gulo ko na, basta mahal ko siya."

Nabigla ako ng tumili si besty, napatingin tuloy sa amin sina Gavin.

"Anong nangyari sayo, Bethany?" sabi ni Matt, nakalapit na pala sila saamin.
Paktay baka sabihin niya.

"Kasi may gwapo akong nakita. Tapos nginitian pa niya ako. Shete, akala ko nga mahuhulog na yung bra ko eh. Hihi!" parang nabunutan ako ng tinik, pero ano raw? muntik na mahulog yung bra niya? hahaha! eto talagang si besty eh.

---
Gavin pov

Ang bilis ng panahon  dalawang buwan nalang graduation na. Pero ang mas ikinabahala ko ay ang nararamdaman ko. Bakit?

Kasi sa araw araw na magkasama kami ni Gabby, ewan ko ba kung
bakit ang gaan ng loob ko sakanya, at naipapakita ko rin sakanya ang mga weird side at funny side ko.

At sa tuwing malapit siya sa akin ay kinakabahan ako bigla, I know this is so gay pero kumakabog talaga ang dibdib ko eh pag andyan siya sa tabi ko.

Tulad nalang ngayon hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya, para kasing mas gumaganda pa siya lalo eh. Nakaktitig parin ako sakanya ng bigla siyang lumingon.

"Uhm...master? may kulang pa ba dito?" sambit niya, nahuli niya kaya akong nakatingin sakanya?

"Wala na! sige ako na ang magsesave." lumapit ako sakanya at hinawakan ko ang mouse pero nakalapat pa pala yung kamay niya dun. Kaya naman yung  kamay ko nasa ibabaw ng kamay niya. Parang may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko, idagdag mo pa na nagkatinginan kami ngayon.

"Sorry!"

"Sorry!"

Sabay pa kami, kaya naman natawa nalang kami parehas. At alam ko na ang sagot sa tanong ko sa sarili ko kanina.

Gusto ko na siya, matagal na. Pero nabulag lang siguro ako dahil sa sinabi ko noon na hinding hindi ako magkakagusto sa kanya. At ngayon alam ko na ang sagot at ayaw ko na itong patagalin pa.

"Abbygaileana, may sasabihin ako sayo wag ka sanang magalit sakin." bumuntong hininga muna ako at saka ko siya tinignan diretso sa mga mata niya. "I....I like--" hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil bigla nalang tumunog yung cellphone ko.

I guess hindi pa ito yung panahon na sabihin ko sakanya ang nararamdaman ko.




My Probinsyana Slave (slowly updating)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon