Chapter 43

3.2K 111 4
                                    

Gavin pov

Sabado ngayon, at heto ako nakahilata sa kama ko. Psh! eh sa wala akong magawa eh.

Ng makita ko ang jersey ko ay naalala ko ang nangyari kahapon.

Pumunta ako sa locker  ko kahapon at pinahiram ko muna kay Gabby yung jersey ko.

Yung part na yun, hindi na yun acting. Nakakakonsensya naman kasi eh, nasasaktan yung slave ko dahil sa kagagawan ko. Ugh! so gay.

Napalingon ako sa may pinto ng biglang may kumatok.

"Master! may bisita po kayo!"

Huh? Bisita? wala naman akong inaasahang bisita ngayon ah. Psh! dali dali akong bumaba.

---

Abby pov

Nasa kalagitnaan ako ng paghuhugas ng plato. Oo ako yung naghuhugas kasi day-off ngayon ng mga katulong ni monster. Aish!

Ng bigla nalang may nagdoorbell. Sino naman kaya ito.

Pagbukas ko ng pinto, oh em gee! bakit sila andito? pinapapunta ba sila ni monster dito?

"Hi! Gabby!"

"Aa-ah, Hi!"

"Hindi mo ba kami papapasukin?" sabi ni Matthew .

"Ay oo nga pala, pasok kayo!"

"Tatawagin ko lang si Master."

"Oi, teka lang diba girlfriend ka na ni Gavin? endearment niyo ba yang Master? aba! unique ah!" sabi nung gwapo na tsinito, Aaron yata pangalan neto?

"H-ha??"

"Wag ka nang mahiya, alam na namin eh!"

"Naku hindi noh! S-sige."

Nagmamadali akong umalis dun, baka kasi sabunin nila ako ng mga tanong. Waaah! ayoko pa naman sa ganun, kunyari lang naman ito eh.

Muntik pa akong sumubsob sa hagdan, dahil sa kakamadali ko. Nanginginig mga paa ko, at ang bilis ng kabog ng dibdib ko. Shemay.

Kumatok ako nung nasa may harap na ako ng pinto ng kwarto ni monster.

"Master! may bisita po kayo!"

No response, siguro narinig naman niya yun. Bumaba nalang ako, pero parang ayoko nalang bumaba eh. Nahihiya, natatakot at naiinis ako sa kanila eh. Ang raming tanong, huehue!

Pero bababa talaga ako kasi yung mga hugasin doon tatapusin ko pa.

---
Matthew pov

Nakita ko si Abby na nagmamadaling bumaba. Hahaha! natatakot siguro sa amin baka magtanong kami ng magtanong.

Maya-maya lang rin ay bumaba na si Gavin.

"Wtf! what the hell are you doing here?"

Ang sweet talaga neto, yun ka agad ang bati samin.

"I love you too, pare. Hahaha!" ulol talaga tong si Chad eh. Bale 4 kasi kaming nandito ngayon, kami talaga yung magbabarkada eh.

Sina Aaron, Chad, Jacob at ako.

"Psh!"

"Ayaw mo ba kaming makita?" sabi ni Jacob sabay pout. Tsk.

"Oo nga pre, sige aalis nalang kami." at ginatungan pa ni Aaron.

Kaya naman nakisakay narin ako.

"Tara na nga mukhang hindi naman tayo welcome dito eh." tumayo na kami at akmang alis na, ng sakto namang dumating si Abby na may dalang meryenda.

"Oh, san kayo pupunta? aalis na kayo? agad-agad?" sabi niya sabay lapag ng tray na may lamang juice at cookies sa lamesa.

"Oo eh, hindi kasi kami welcome dito." gago talaga tong si Chad eh.

"Ano ba yan Master, mga kaibigan mo sila. Dapat tinatanggap mo sila ng buo, dapat maging masaya ka pa nga eh kasi may mga kaibigan kang dumalaw sayo. Di kagaya ko."

Tumatango-tango naman kami. Ahahaha! ang epic ng mukha ni Gavin, sarap picturan eh.

"Buti pa tong girlfriend mo pre ang bait, sana maging kagaya ka rin niya yung maging mabait." sabi ni Jacob

"Ahihihi-- kunyari lang yung girlfriend thingy ah. Wag niyong seryosohin." ang cute talaga nitong si Abby, hahaha! pero wag ka kay Bethany parin ako.

"Tsk, ge! ano bang ginagawa niyo rito?"

Ayun nagkwentuhan lang kami, hanggang sa mauwi sa tuksuhan. At ang biktima ay si Gavin. Hahaha! kanina ko pa gustong humagalpak ng tawa eh, kasi yung mukha niya ang epic kaso lang baka mapatay ako neto.

---
Abby pov

Saktong pagdaan ko sa likuran nila ay narinig ko ang pinag-uusapan nila.

"Paalala lang pre, kunyari lang yan ah." sabi ni Jacob.

"Baka kasi sa huli, totohanin mo na!" sabi naman ni Chad.

"Psh! ako? hindi ako maiinlove sa kanya noh? asa! slave ko lang siya."

Bakit parang sumikip dibdib ko? anong nangyayari sakin? Bakit nasasaktan ako sa sinabi niya?

Gaga ka Abby! sabi ng kunyari lang to lahat eh. Wag na wag kang mafa-fall. Crush mo lang siya, crush means paghanga at mawawala rin yan. Tandaan mo kunyari lang, wag kang magpapadala sa mga sweet words at gestures niya, walang ibig sabihin yan. Acting lang yan.

Bigla nalang may tumulong luha sa mata ko, ano to umiiyak ako? bakit? dali dali kong pinunasan ang mga mata ko ng may nagsalita sa likuran ko.

"Gabby! may pupuntahan tayo bukas ah?"

"Ha? saan?"

"Magde-date tayo!"

Napanga-nga ako ng wala sa oras. Anong nakain neto?

My Probinsyana Slave (slowly updating)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon