A/N: Sorry sa matagal na update guys, busy kasi sa school, sobrang busy talaga hindi ko maisingit. Huhu! Pero again sorry and thank you sa pag iintay ng update ko kahit sobrang bagal at tagal. Kamsahamnida readers, and saranghaeyooooooo! HAPPY NEW YEAR GUYSSSSSSSS! belated. Hihihi. 😘💓
--------
Victoria povNakita ko sila Gavin baby and probinsyana girl na magkasama papuntang canteen. Watdahell! nakakainis na, kailan ba kasi ang engagement namin? ang tagal na ha?
Kesa masira ang beauty ko eh pumunta nalang akong salon and nagpa hair color. Yung magpapaganda sakin lalo. Tignan lang natin Gavin, kung di ka pa maa attract sa beauty ko na mas hamak naman akong maganda kesa diya sa peke niyang girlfriend.
----
Abby pov"Hoi, Gavin? kakain na naman tayo?"
Tanong ko sakanya, pano ba naman kasi bigla nalang akong hinila papuntang canteen.
"Yes! para tumaba ka na. Ang payat payat mo na kasi."
"Ah ganon, so gusto mong tumaba ako?".
"Uhuh!" sabi niya habang tumitingin-tingin ng mga pagkain.
Eh? bagay kaya sakin pagmataba ako?.
Naupo na kami at sinimulan na niya ang pagkain. Akala ko ba gusto niya akong tumaba? eh bakit siya lang yung kumakain? tsk.
"Kain na Gabby, wag kang mahiya." sabi niya habang punong-puno ng burger ang bibig niya.
"Oo hindi talaga ako mahihiya, pano ba naman ubos na yung pagkain oh."
"Ahahaha! sorry."
Hindi ko napigilan na kurutin ang pisngi niya. Eeee! ang cute niya kasi eh.
"Aray!" sabay pout.
"Kyaah! ang cute mo!" pagkasabi ko nun ay hinawakan niya ang kamay ko. Gash! ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
"Gabby, kailan mo ba ako sasagutin?"
"Sasagutin rin kita, malapit na." nginitian ko siya.
"Hey, lovers! what's happening?" nabigla kami ni Gavin, dahil sa pagdating nila besty at Matt. Matagal narin pala kaming hindi nagkasama.
Sa mga oras na magkasama kami ay puro kwentuhan, tawanan, at tuksuhan lang kami.
---
Biglang tumunog cellphone ni Gavin kaya naman pareho kaming napatingin sa mesa kung saan iyon nakalagay."Sige na sagutin mo muna."
Tumango lang siya at umalis.
---
Gavin povPagtingin ko sa screen ng phone ko.
Daddy calling....
Ano na naman kaya ang kailangan neto. Nag aalanganin pa ako kung sasagutin ko ba o hindi.
"Hello dad?"
"Gavin, umuwi ka na. May bisitang darating at dun muna siya sa bahay mo pansamantala titira. Got it? Bye!"
What the hell? Ganun nalang yun? nakakabadtrip naman.
"Abby, kailangan na muna nating umuwi."
"Osige!" sagot ni Abby.
Hindi ko namalayan na nandito na pala kami ng bahay. Ang bilis yata ng pagmaneho ko. Dahil na rin siguro kinakabahan ako ng hindi ko alam ang dahilan, na para bang may masamang mangyayari, tch. Ewan ko ba nababaliw na yata ako.
Una akong bumaba at binuksan ang pintuan ng kotse para makababa narin si Gabby.
"Thanks!" sabi niya. At nginitian ko naman siya.
Dali dali akong pumasok sa loob at nakasunod naman sakin si Gabby, nadatnan ko ang mga katulong na busyng busy sa kanilang mga ginagawa.
Nang napansin kong may babaeng prenteng nakaupo sa sofa, at ng mapansin niyang may nakatingin sakanya. Napalingon siya sa gawi ko, at ngumiti. Shit!!! she's back.
Tumayo siya at ngumiti sabay sabing...
"Hi, Gav. Nice to see you again."
Lian Kim, bakit ka pa bumalik?
BINABASA MO ANG
My Probinsyana Slave (slowly updating)
Teen FictionAno kayang mangyayari kung ang isang PROBINSYANANG BABAE magtatagpuan ang isang GWAPONG MAYAMANG PLAYBOY NA LALAKI?? Magkakaintindihan kaya sila? O palagi nalang ba silang magbabangayan?