Chapter 44

3.3K 112 15
                                    

Abby pov

Geez. Nandito kami ngayon ni Gavin  sa isang mamahaling restaurant. Hindi ako sanay, kasi ang yayaman ng mga nandito. Ang gaganda, ang so-sopisticada.

Pagdating pa nga namin kanina, pinagtitinginan pa kami. Pano kasi ang gwapo sa kasi ng kasama ko.

"Gabby! anong gusto mong kainin?"

"Hah? ah, ikaw nalang!"

"Pfft! Ako?"

"Hah? eh, sabi ko ikaw nalang pumili."

"Wag ka nga kabahan?"

"Eh kasi, hindi ako nababagay rito eh. Alis nalang tayo!"

"San mo ba gustong pumunta?"

"Uhmm..sa  Uknown Park!!" sabi ko habang kumikislap ang mga mata ko.

"Hahaha! para kang bata. Pero sige na nga! San ba yan banda? Ngayon ko lang yata narinig yang lugar na yan ah."

Sinabi ko sakanya yung location.

At ngayon ko lang narinig tumawa si Master. At ang sarap pala talagang marinig yun. Nabigla nalang ako ng  hawakan niya ang kamay ko.

"Tara!"

Wala na nga akong nagawa dahil hinila na niya ako.

---
Unknown Park...

"Waaaaah! Gusto ko sumakay dun! Dun! dun! at dun!"

Siguro ang tingin ni Gavin sakin ngayon ay isang batang napakababaw ang kaligayahan. Psh! bahala siya basta ako, mag-eenjoy ako rito.

"Ehem!"

Napatingin ako sa kanya.

"So, san na tayo ngayon?"

"Uhmm, sa Horror House!" pagkasabi ko nun ay bigla nalang namutla si master! hala? anyare dito?

"H-hah? sa ano nalang sa iba nalang!"

Eeeh! sa gusto ko dun sa Horror House eh. Don't tell me, takot siya--aha! baka nga takot siya.

"Bakit ayaw mo dun, master? natatakot ka ba?"

"ANO? AKO TAKOT? HAHAHA! SINONG NAGSABI? TARA PUNTA TAYO DUN. HAH! TAKOT PALA HA."

Huh? anyare dun? iniwan pa ako.

"Hoy! master intay!!!!!"

---
Horror House...

Pumipila pa lang kami para makakuha ng ticket, dinig na dinig dito sa labas ang mga hiyawan ng mga nasa loob. Uwaaaa~ excited na ako.

Sinilip ko ang mukha ni master, at ewan ko ba bakit siya namumutla at painagpapawisan.

"Master? okay ka lang? gusto mo wag nalang tayo tumuloy?"

"Ah yes, Okay lang ako, and no kailangan natin to ituloy nandito na tayo eh. Tsaka gusto mo dito, sayang naman kung 'di mo masubukan. Para saan pa at pumunta pa tayo dito."

Waaah! Gavin wag ka ngang ganyan, pinapaasa mo na naman ako eh. Crush lang kita, hindi kita boyfriend pero sa ginagawa mo ngayon eh para tuloy tayong totoong may relasyon. Shete oh.

"Ahh hehe oo nga."

Sakato namang kami na yung papasok. Hindi sa hindi ako takot, siyempre natatakot din ako noh pero gusto ko lang to maexperience.

Nabigla nalang ako ng may humawak sakin kaya naman napasigaw talaga ako.

"Aaaaaaaaaah!"

"Aaaaaaaaaah!" sumigaw din si master.

"Teka, bakit ka sumigaw?" tanong ko sa kanya.

"Eh, sumigaw ka rin eh." ayt, ganun.

"May humawak kasi sa balikat ko eh. Baka yung multo." sabi habang nagsisimula na ulit kami maglakad.

"Ahh, Gabby?"

"Hmm.. ako yun eh."

"Huh?" sabi ng hindi ko man lang siya nilingon, ang goal ko rito is makarating kami sa dulo sa may exit.

"Yung humawak sayo."

Hindi ko siya pinakinggan dahil nabigla ako ng may sumulpot na white lady sa harapan ko.

"Waaaaaaahhhhhhhh!" dahil sa takot ko, tumakbo ako ng mabilis at di ko alam kong san na ako ngayon.

Tsaka ko lang narealize na may kasama pala ako. Waah! si Gavin, paktay! takot pa naman yun. Halala~

"Master??" nagsimula na akong maglakad para hanapin siya. Naku naku! san ko naman kaya siya hahanapin.

"Master? Mas---Waaaah! may pugot ulo sa harapan ko. Waaah! may white lady sa likod ko. Waaah!"

Nanginginig na ang mga paa ko. Hindi naman ako matatakutin ah. Pero bakit ngayon natatakot na ako. Huhuhu! master tulungan mo ako.

Napa-upo nalang ako dito sa kinalulugaran ko. Umalis na yung mga multo. Sukat na umiyak ako, grabe naman nila kung hindi pa sila umalis.

*Sniff*

"Huhu! monster? asa ka na ba?. Baka nakalabas nayun. Iniwan na niya ako. Huhuhu!"

*sniff*

*Waaaah! mama papa!"

May biglang yumakap sakin sa likod, baka yung white lady ito nasa likod ko pa naman siya kanina.

"Waaa---hmmmmmmm!" bastos na multo ito takpan ba naman daw ang bibig ko.

"Ssssh! stay still may paparating ba multo."

Gavin? Waaah! master, akala ko iniwan na niya ako.

to be continued....

My Probinsyana Slave (slowly updating)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon