Victoria pov
Nandito kami sa HOE (House of Elites), tinawagan ko kasi yung mga bago kong friends. Yes, new friends iniwan ko na yung dati kong friends ang tatanga eh.
Well, pinapunta ko sila dito dahil may evil plan ako. Hahaha! yes evil. At itong HOE ay collaboration ng family namin at ng family ni Gavin baby ko.
"Hi, guys." bati ni Xandra.
"Hello!"
"So, what's the plan girl?" Cassy said.
Nginitian ko muna siya tapos kinuha ko ang juice sa table na nasa harap namin at uminom ako ng konti.
"Eto," I said. Then ibinalik ko sa table ang juice. "I know, na kunyari lang ang relationship nina Gavin at probinsyana girl."
"Oh? really?" sabi ni Cassy na nanlalaki pa ang mata.
"Yes! so gusto ko sanang ipaalam na sa lahat sa school na malapit na kaming ma-engaged ni Gavin"
Kita ko ang gulat sa mga mata nila. Haha! oh hindi pa pala nila alam.
"Gosh! congrats girl." sabi ni Cassy.
"Bagay talaga kayo, swear. At dahil diyan cheers!" sambit ni Xandra.
Tinanong nila ako kung papano raw nangyari yun. Ano daw bang ginawa ko. Well, all the questions na binato nila sakin tanging ngiti lang yung sinagot ko.
"So, kailan mo naman balak sabihin sa lahat?" Xandra said.
Napaisip ako sa sinabi niya.
"Uhm, soon." sabi ko nalang.
---
Bethany povPagkatapos ng klase ay napag isipan namin ni besty na mag-mall. Bonding namin kasi nga matagal tagala rin akong nawala so magagagala kami ngayon.
Balak sana namin na kaming dalawa lang, kaso si Matt ayaw pumayag gusto daw niyang sumama. Pero ang mas ikinagugulat ko ay si Gavin sumama rin. Feeling ko nga double date ito eh. At iniisip ko palang yun kinikilig na ako.
Sumakay ako sa kotse ni Matt, habang si Abby naman kay Gavin. Pansin ko nga sa dalawa parang nagkakamabutihan na. Noon kasi ang sungit nitong si Gavin, tapos ngayon ang sweet na niya sa besty ko. At pansin ko rin palagi na siyang nakangiti, sa tuwing kinakausap siya ni besty.
Hmmp! I feel love is in the air.
Hinila ko si Abby papuntang boutique ng tita ko. Mamimili kami ng dress, gusto pa nga sanang sumama ng dalawang lalaki. Kaya naman pinigilan ko, sinabi kong girls bonding ito. Mabuti nga pumayag naman sila, at punta nalang raw silang quantum.
"Besty? may napansin ako." sabi ko habang tumitingin tingin ng damit.
"Ano naman yun, besty?" nagtatakang tanong niya.
"Lately kasi ang sweet sweet niyong dalawa ni Gavin. Tell me kayo na ba?"
Hinarap ko siya, at nakita ko ang gulat niyang itsura. Cute!
"H-hindi ah. Friends lang kami ni Gavin. Ano ka ba besty, ano bang klaseng tanong yan." sabi niya at tumingin tingin narin siya ng damit.
"Wala lang, bagay kasi kayo eh. Alam mo kung meron mang girlfriend si Gavin, gusto ko ikaw yun."
"Ta-talaga? I...I mean bakit naman?"
"Kasi mabait ka, maganda at maalaga. Alam mo, dati ng nasaktan si Gavin at ayokong maulit pa yun. Mabait naman yang si Gavin eh, kilala ko na siya simula no on. At sa totoo lang malaki talaga ang pinagbago niya simula ng dumating ka sa buhay niya."
Natahimik kami sandali.
"Sa tingin mo besty? magugustuhan kaya ako ni Gavin?" nagulat ako sa tanong niya, pero napalitan din agad ng nakakalokong ngiti.
"Oi, ba...bakit ka nakangiti ng ganyan?" tanong niya sakin tama nga ako.
"Wala lang, at oo naman magugustuhan ka niya. Tell me besty, mahal mo na ba si Gavin?" mas lalong lumawak ang ngiti ko. Hehe! kinikilig ako.
"Kasi..." hindi natuloy ni Abby ang ssabihin niya kasi bigla nalang dumating yung dalawa.
"Hey! kain na tayo?" sabi ni Matt ng makalapit na sila sa amin.
"Sure." sagot ko. At nauna ng maglakad samin sila Matt at Gav. Nilingon ko si besty.
"Save your answer besty later, dahil mamaya nalang kita tatanungin pag tapos na tayong kumain." sabi ko at hinila na siya, hindi naman siya pumalag at nagpahila nalang rin.
BINABASA MO ANG
My Probinsyana Slave (slowly updating)
Teen FictionAno kayang mangyayari kung ang isang PROBINSYANANG BABAE magtatagpuan ang isang GWAPONG MAYAMANG PLAYBOY NA LALAKI?? Magkakaintindihan kaya sila? O palagi nalang ba silang magbabangayan?