A/N: Hi guyseu! thanks sa pagbabasa at pagvote nitong MPS. By the way you can call me "Eonnie Ella, Ate Ella or Ella" ^_^.
------
Abbygaileana povPagpasok ko palang ng school gate nakita ko na agad si besty na tumatakbo papunta sa akin.
"Besty! Besty!"
Sabi niya ng makalapit na siya sakin.
"Oh bakit? anyare sayo?"
"Alam mo bang may pakana na naman si bitchy Victoria, nandun lahat sila sa gym, halika ka na."
"Teka...teka! ano ba yun?"
"Eh kasi narinig ko sila kanina sa CR, na may surprise raw sila sayo. Tapos alam ko naman na yung surprise na sinasabi nila ay makakasama sayo yun."
"Eh makakasama naman pala, bakit kailangan pa natin pumunta dun?"
"Aish! ano ka ba? para may kumontra sakanya." napakamot nalang ako sa ulo ko."Sige na nga."
Pagpasok namin sa gym, ang raming estudyante at nasa may harapan si Victoria. Ano na naman kayang gagawin nito.
"Oh, look whose here!"
Naglakad ako sa may gitna at bawat hakbang ko ramdam ko ang mga tingin sakin ng mga estudyanteng narito.
"Kanina ka pa namin hinintay, probinsyana girl. Ooh! asan na yung boyfriend mo? opps, boyfriend mo ba talaga siya? or kunyari lang pala."
Sabi ni Victoria at tumawa pa na as if naman na mayrong nakakatawa, shunga lang.
"Wag mong idamay dito si Gavin, ako ang pakay mo diba?" sabi ko ng nasa may harapan na niya ako.
Nakita kong tumalim ang mga titig ni Victoria sakin. Ewan ko nga eh, wala naman akong kasalanan sakanya bakit ba galit na galit siya sakin ngayon.
"Wag idamay? Eh ginagawa niyo kaming tanga eh. Alam na namin na kunyari lang yung relationship niyo. For the sake na ayaw ni Gavin na maengaged sa akin."
"Ooooooh~" reaction ng mga taong nandirito.
Parang nabingi yata ako sa sinabi ni Victoria. Si Gavin at siya maeengaged? nalambot nalang bigla ang mga paa ko, buti nalang may sumalo sakin at pagtingin ko....Gavin.
---
Gavin povDali dali akong pumuntang school dahil tinawagan ako ni Matt kanina na may ginagawa na naman daw na kabaliwan si Victoria.
Pagpasok ko ng gym, nakita ko sa gitna si Gabby.
"Wag idamay? Eh ginagawa niyo kaming tanga eh. Alam na namin na kunyari lang yung relationship niyo. For the sake na ayaw ni Gavin na maengaged sa akin." ang nadatnan kong sabi ni Victoria.
Si Gabby parang matutumba kaya naman agad ko siya inalalayan, at napatingin siya sakin.
Sheet ka Victoria, humanda ka sakin.
"VICTORIA!!!" sigaw ko, wala na akong pakialam sa mga nandito.
"Oh hi future husband!"
"Diba sabi ko sayo, wag na wag mong babanggitin yan dito?"
"E, bakit naman hindi?"
"Bakit hindi? simple lang dahil..HINDI KITA GUSTO AT KAHIT KAILAN MAN HINDING-HINDI AKO MAGKAKAGUSTO SAYO!!!"
Sabi ko, eh sa nakakapikon na eh. Pati si Gabby dinadamay niya pa.
"Tara na nga Gabby, wala tayong mapapala sa baliw na yan eh." at naglakad na kami palabas ni Abby kasama suna Bethany at Matthew.
"Bakit Gavin? Bakit? ano bang nasa Probinsyana na yan?"
Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya.
"Simple lang Victoria..." napalunok ako ng maraming beses. Sasabihin ko ba to o wag nalang. Aish! bahala na.
"Kasi...kasi..."
Lahat ng mga mata, nakatingin sakin hinihintay ang sasabihin ko.
"GUSTO KO NA SIYA."
BINABASA MO ANG
My Probinsyana Slave (slowly updating)
Teen FictionAno kayang mangyayari kung ang isang PROBINSYANANG BABAE magtatagpuan ang isang GWAPONG MAYAMANG PLAYBOY NA LALAKI?? Magkakaintindihan kaya sila? O palagi nalang ba silang magbabangayan?