Chapter 3

175 4 0
                                    

Deal

"Everyone, listen!"

"Listen, guys!"

Nag-iingay na kase sila habang masayang nag-uusap usap kahit hindi pa tapos sa sinasabi si Sir.

"You need to finish this task this week. You'll report it to the class next week." Tumango ako kay Sir, ganoon din ang ginawa ng mga kaklase ko.

EAPP class namin ngayon at may pinapagawang term paper by group.

Muling umingay ang paligid. May sari-sarili nang grupo ang mga kaklase ko na halos mga group of friends lang din naman nila. Apat ang kailangan sa grupo kaya luminga ako sa paligid kung sakaling may kulang pa sa kanila para makasama ako.

I don't have any group of friends in our class. Kaya kapag may mga ganitong group project ay kailangan kong kapalan ang mukha at maghanap ng kagrupo.

Nakita kong tatlo pa lang ang grupo ng kaklase kong nasa second row sa right side ng room. Sila Crisha 'yon na naging kasama ko rin sa isang project nang nakaraan.

Tumayo ako mula sa upuan ko para pumunta sa gawi nila. Nakailang hakbang na ako nang biglang may humawak sa balikat ko.

"Saan ka pupunta?" Pinatalikod ako ni Rachel.

Umiwas agad ako ng tingin nang magtama ang mga mata namin ni Madison.

"Naghahanap ng group."

Tinaasan niya ako ng kilay. Tinignan nito ang mga kaklase ko sa likod namin. "Apat na sila oh," wika nito sa tonong nanunuya at may nginunguso itong direksyon.

Tumalikod ako para tignan kung sino ang tinutukoy niya, sila ni Crisha iyon. Bahala na, siguro naman ay may iba pang grupo na kulang.

Naghanap pa ako ng kulang na grupo pero halos kumpleto na silang lahat. May mga absent akong mga kaklase pero alam kong hindi ko rin sila maasahan.

"Yeuxia."

Hindi ko pinansin si Madison at humakbang para pumunta sa likurang bahagi ng classroom.

"Kinakausap kita."

Tinignan ko si Madison na biglang tumigil sa harapan ko. Tumalikod ako para umalis ngunit naunahan na ako ni Rachel dahil nasa harapan ko na siya. Ang isa nilang kaibigan na si Rain ay nasa gilid ko.

Ano na naman ba ang gusto nilang gawin.

"Let's be groupmates, Yeuxia," nakangiting saad ni Madison sa'kin.

"Kita mo namang kulang kami ng isa 'di ba."

Tumalikod ako kay Madison at sinilip kung nasa teacher's table pa si Sir. Naroon pa naman siya.

"Sir?" tawag ko rito. Agad na napunta ang atensiyon ni Sir sa akin.

"Puwede po bang ako lang mag-isa?"

Kumunot ang noo ni Sir. "Kaya ko naman po," dugtong ko pa.

Sa huli ay pumayag din si Sir kaya hindi na naka-imik si Madison sa'kin.

The Day The Sun Came Out (The Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon