Hospital
"Sige na, Yeuxia, sumama ka na oh."
Nakanguso sa'kin si Daphne habang nakaupo sa tabi ko.
"Hindi talaga ako makakasama," mahinahon kong pagtanggi sa kanya.
"Minsan lang naman 'to, Yeuxia," masungit na wika ni Rachel na nasa harapan namin.
Hindi ako umimik. Nakapamewang naman si Madison sa tabi niya at mataray na nakatingin sa'kin. Hindi naman sa nagmamataray siya, ganoon lang talaga ang normal face niya.
"It's my treat, Yeuxia."
Tipid akong ngumiti. "Sorry, hindi ako available."
Tumaas ang kilay ni Madison. Umirap naman si Rachel at inaya ang dalawang kaibigan na si Madison at Rain na bumalik sa upuan nila. Nakanguso pa rin si Daphne sa tabi ko. Nag-aaya kase silang sumama ako dahil pupunta silang timezone para mag KTV kahit wala namang okasyon.
"Sige, Daph," paalam ko kay Daphne at kinuha ang mga gamit ko para lumipat sa sarili kong upuan.
Ilang sandali ay pumasok sila JM at Josh. Kasunod nila si Ma'am Amelia na siyang last period namin ngayon. Dala dala pa ni JM ang chalk at blackboard eraser ni Ma'am. Nang magtama ang mga mata namin ay ngumiti ito nang malapad na hindi ko na lang pinansin.
"Yeuxia!"
Sumulpot si JM sa tabi ko habang nasa second floor na ako ng building namin. Paakyat na ako ngayon dahil seven na at seven-thirthy ang first period namin.
"Yeux, sa'yo pala 'to oh."
Hindi ko binalingan ng tingin si JM na sumasabay sa'kin. Napilitan akong tignan ang hawak niya dahil mahina niya akong tinapik sa balikat.
May hawak siyang maliit na plastic na may tatak ng isang brand ng donut. "Sa'yo 'to."
"Para saan?" nagtataka kong tanong.
Ilang weeks nang lumalapit si JM sa'kin even after noong gulo nila. Nangungulit at kung ano anong ginagawa ngunit ni minsan hindi siya nagbigay sa'kin ng pagkain. Kahit palagi ko siya tinatanggihan at iniiwasan ay hindi niya pa rin akong magawang tantanan.
"Binili ko kahapon. Hindi ka kasi sumama."
"Hindi ko matatanggap, JM."
Mas nilakihan ko ang paghakbang at naunang pumasok sa room. Ako lang siguro ang kulang sa grupo namin sa research sa lakad nila kahapon. Hindi naman mapagkakaila na naging close silang anim, maliban sa'kin. Madalas kase silang lumalabas at sa lahat ay wala akong sinasamahn maliban na lang kung gagawa kami ng study namin.
Madison has been nicer to me these weeks. Si Rachel ay mataray. Sila Julie naman at Rain ay hindi ako pinapansin.
Kumunot ang noo ko nang maabutan na sira ang arm rest ng upuan ko. Mayroon pa itong kung ano anong vandal na hindi ko maalalang sinulat ko roon.
Binalingan ko ng tingin ang mga kaklase ko at halos may sarili silang mundo.
"Yeuxia!"
Nilingon ko ang taong nagsalita mula sa likod. It's our oldest classmate, Jeff. Nakangisi ito sa'kin.
"Pinagpalit ko 'yong upuan natin. May sinusulat kase ako," garalgal nitong sabi.
Tinignan ko ang kinauupuan niya at nakumpirmang upuan ko nga iyon. Tipid akong tumango kaya napangisi siya lalo.
Tinalikuran ko na siya at umupo sa sirang upuan ko. Ipapalit ko na lang 'to mamaya sa warehouse.
Wala pa ang teacher namin sa first period kaya ginugol ko ang natitirang oras para magreview sa Physics kung saan kami may summative test ngayon. One week na lang kase ay finals na namin.
BINABASA MO ANG
The Day The Sun Came Out (The Trilogy #1)
Novela JuvenilThe Trilogy #1 Yeuxia is bullied. Freyr is a bully. Yeuxia is smart and an achiever. Freyr comes from the lowest section of their batch. Yeuxia has no friends. Freyr has. Yeuxia gets lost in the thoughts of her dreams. Freyr gets lost in the mystery...