Chapter 20

69 4 0
                                    

Gone

Gusto kong sagutin ang mga text ni Freyr ngunit naalala kong wala pala akong load.

Ibinaba ko ang cellphone sa higaan ni Mama at muli siyang pinagmasdan. Payapa siyang natutulog na tila ba walang pinoproblema.

Naalis din agad ang atensyon ko kay Mama nang umilaw ulit ang cellphone ko. Hindi iyon text kundi isang call galing kay Freyr.

Bago ko tanggapin ang tawag ay lumabas ako sa ward dahil ayaw kong makaistorbo sa ibang pasyente roon.

"Yeuxia!" humihingal na salubong ni Freyr mula sa kabilang linya.

Medyo nailayo ko ang cellphone mula sa tenga dahil sa gulat.

"Freyr, hindi pa ako nakakauwi," wika ko na sagot sa mga text niya kanina.

Dinig ko ang tunog ng yapak mula kay Freyr sabay ng pagsagot niya sa'kin. "I know, walang tao sa bahay niyo. Nasaan ka?" dire-diretso niyang tanong.

Nagpakawala ako ng malalim na hininga at umupo sa upuan na nasa labas ng ward. Pati ako ay hinahapo sa naririnig ko sa linya ni Freyr. Sumasabay ito sa emosyon na naramdaman ko kanina at nararamdaman ko pa rin ngayon.

"Nasa Don Pedro dito sa town area," mahinahon kong sagot.

Pansin kong napatigil si Freyr sa kung anong ginagawa niya. Dinig ko ang pagsinghap nito.

"Why? May nangyari ba sa'yo? Did they try to harm you, again?" Parang hindi na ata siya humihinga dahil sa dire-diretso niyang sabi.

Tipid akong ngumiti. Ramdam ko ang labis na pag-aalala ni Freyr kahit sa call lang kami nag-uusap ngayon. Naiintindihan ko siya dahil ganyan din ako kanina nang malaman ko ang nangyari kay Mama.

"Hindi. Pero si Mama ang nahospital."

Napalingon ako sa tabi ko nang biglang akbayan ako ni Kier. Tipid itong ngumiti sa'kin. Nahatid na niya siguro si Fiona sa sakayan na nasa gilid ng 7/11 sa harap ng campus.

"Yeux, wait me there."

Freyr hanged up.

"Si Freyr, loves?" mahinahong tanong ni Kier na nakaupo sa tabi ko.

Tumango ako sa kanya. Napansin kong naka shirt na siya ngayon. Habang ako ay naka-uniform pa rin.

"Kailangan ko pa lang umuwi muna," bigla kong wika nang may maalala ako. Kailangan kong magpalit at kumuha ng mga gamit ni Mama.

"Sige, samahan na kita." Tumayo si Kier mula sa kinauupuan kaya't tumayo na rin ako. Nauna na akong humakbang ngunit napahinto ako nang maalalang pupunta nga pala si Freyr dito sa hospital.

"Bakit, Xia?"

"Hintayin na lang natin ni Freyr."

Tumaas ang sulok ng labi ni Kier at bumalik sa pagkakaupo. Bumalik na rin ako sa upuan.

Walang umiimik sa aming dalawa ni Kier. Maingay rin kase sa paligid dahil kahit gabi na ay marami pa ring pasyente ang dumarating sa hospital.

Napabuntong hininga ako. Narinig siguro iyon ni Kier dahil bigla nitong hinaplos ang balikat kong inaakbayan niya. Nilingon ko siya at tipid na nginitian.

"Thanks, Kier."

Ngumisi siya. "Ano ka ba! What are friends for!" Hindi ako nakaiwas nang bigla nitong kurutin ang pisnge ko gamit ang libre niyang kamay.

"Magpahinga ka muna, my loves."

Hindi ako nagreklamo nang igaya ni Kier ang ulo ko sa balikat niya. Umayos ako ng upo para makasandal ako nang maayos sa kanya.

The Day The Sun Came Out (The Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon