Chapter 10

108 4 0
                                    

Wallet

Nang matapos kami sa duty namin sa library nang hapon na 'yon ay sumalubong sa'kin si Freyr pagkalabas ko ng library. Bago sa kadalasang ginagawa niya na sa waiting shed siya naghihintay sa'kin. Hindi na nito kasama ang mga kaibigan.

Tahimik lang kaming dalawa habang tinatahak ang daan palabas ng school. Dahil may event nga ay marami pang tao sa school kumpara kung may regular classes. Napansin kong may iilang napapatingin sa gawi namin kung dumadaan kami. Nagkibit na lang ako ng balikat at isinawalang bahala. 

"Are you happy?" sabi ni Freyr nang makaabot na kami sa eskinita.

Seryoso itong naglalakad habang diretso ang tingin sa daan.

Dahil sa tanong niya ay nagreplay sa utak ko ang nangyari kahapon at kanina. It still feels new to me, especially the emotions that I've been feeling. Pansin ko rin ang pagbabago ng ugali ko sa kasalukuyan. I smiled a lot now, and even laugh at people's jokes and funny situations.

Tumigil ako sa paglalakad. "I guess?" mahina kong sagot ngunit alam kong dinig iyon ni Freyr.

Freyr stood in front of me. Hinawakan nito ang panga ko at iniangat kaya nagtama ang mga mata naming dalawa. Ngumiti ito sa'kin at marahang pi-nat ang ulo ko. It brought a weird feeling in my system.

Napansin kong madalas ngumiti si Freyr sa'kin. Mahaba rin ito magsalita kapag kami lang dalawa. Pansin ko kase na kapag maraming tao sa paligid ay palaging seryoso ang mukha nito at tahimik. Maliban na lang kung nakikisabay siya sa kulitan nila Bins o kapag naiinis na siya sa kanila kaya pinapatahimik niya.

"Good, it's your last year sa high school. Give yourself a chance to enjoy it, don't just live with pressure," mahaba nitong lintanya.

"You deserve to be happy, especially since you look pretty when you smile and laugh." I can feel an electrifying feeling running down my body because of his words. 

Freyr again gave me a comforting yet very uplifting smile. "I'm just here to watch your back."

Sa unang beses sa buhay ko ay nagbigay ako ng isang napakalawak at matamis na ngiti sa ibang tao maliban kay Mama. Malapit ko na ngang isipin na isang anghel si Freyr sa kabila ng physical niyang anyo at nakakatakot na awra dahil kaya niyang pagaanin ang loob ko.

Siguro dahil unang kita pa lang namin ay pinaramdam na niya sa akin na hindi niya ako sasaktan o wala siyang dalang kapahamakan kahit man natakot ako sa kanya.

Naalala ko ang sinabi niya sa'kin noong hapon na 'yon nang una kaming nagkita. He is not my enemy indeed. Because he became my friend.

Tinanguan ako ni Freyr. Nang magets ko ang ibig sabihin ng tingin nito ay nagpatuloy ako sa paglalakad. Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang presensya nito sa likuran ko.

Hanggang sa makarating ako sa bahay ay nanatiling nasa likuran ko lang si Freyr. Kapag kase tumitigil ako sa paglalakad ay tumitigil din ito. Kapag naman nililingon ko ito ay pinapalakad lang nito ako ulit.

Nilingon ko si Freyr sa huling pagkakataon. He is standing fifty meters away from me. Dahil nasa harapan ako ng bahay ay saktong nasa ilalim siya ng street light na nakapatay pa rin. Maliwanag pa kase dahil napaaga ako ng uwi ngayon.

"Thanks, Freyr!" sigaw ko rito.

Matamis siyang ngumiti sa akin na abot hanggang sa mata niya. He looks so soft like a teddy bear. Hindi ko napigilan na mapahagikhik habang papasok ng bahay.

The Day The Sun Came Out (The Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon