Chapter 18

71 4 0
                                    

Bond

Nagsibalikan lahat ng lumabas na students sa kanila-kanilang room nang dumating ang mga student police at isang guidance teacher sa baba. Kinuha nila sila JM at Freyr at siguradong dinala sa guidance office.

"Told you, Yeuxia," wika ni Madison na biglang tumabi sa'kin.

Kaming dalawa na lang ngayon ang nasa labas ng room. Binalingan ko siya ng tingin at ngumisi lang siya sa'kin bago tumalikod at pumasok sa room.

"Bakit ba raw nakipagbugbugan si JM?" Dinig kong tanong ng mga kaklase kong nasa sulok ng room sa banda ng pinto nang pumasok ako.

"Wala raw kasalanan si JM, inunahan daw ni Freyr," sagot pa ni Janine na siyang kaklase ko rin.

Kilala pala nila si Freyr.

Hindi naman nagulat ang mga kausap niya. Tila ba normal na sa kanila ang nalaman.

This is the first time na narinig kong pinag-uusapan ng mga kaklase ko si Freyr. Maliban kanina nang sinabi ni Madison ang pangalan niya. It's shocking that they know him despite that he's from the lowest section of our batch.

Or I guess this is the first time that I became interested to listen and watch about what's happening around me.

Malaki ang campus ngunit may pakpak ang bawat balita, mabilis na kumalat ang mga kwento o chismis sa loob ng school.

Nasa pwesto na sa unahan sila Daphne, Josh, Madison, at ang mga kaibigan niya. Nakabukas na ang laptop ni Josh na nakapatong sa arm rest ng upuan niya. Agad akong pumunta sa kanila dahil nagdidiscuss na sila kahit wala si JM. Mamaya pa o hindi na siguro iyon makakabalik sa room ngayon dahil sa gulo kanina.

"Kawawa si JM, siya 'yong napuruhan sa kanila," sabi ni Daphne sabay ng pagliligpit ng mga gamit niya.

"Hindi ba naman nagsabi, edi sana natulungan ko," nakangising saad ni Madison. Mahinang natawa sa kanya si Josh at Daphne.

"Laking tao ni Freyr eh, ako dapat 'yong tumulong eh," sabat naman ni Josh.

Binatukan ito ni Daphne. "Hindi mo nga mabatukan si JM eh."

Ngumuso lang si Josh at nagpatuloy sa pagsilid ng laptop sa bag niya. Dahil tapos na kami sa pagfifinalize ng chapter one ay agad akong nagpaalam sa kanila at lumabas.

"Yeuxia!"

Nagpatuloy ako sa paglalakad pababa sa hagdan at hindi pinansin si Madison na tumatawag sa'kin mula sa likod.

"Teka, Yeuxia."

Napatigil ako sa paglalakad dahil sa paghawak sa balikat ko. Wala na akong nagawa nang tumabi sa'kin si Madison. Sumabay rin ito sa'kin nang pinagpatuloy ko ang paglalakad.

"What?" I broke the silence between us.

Madison grinned at me. "Sa trabaho mo ka ba pupunta?"

Napabuntong hininga ako at tumigil sa paglalakad. Hinarap ko si Madison na siyang lalong napangiti.

"Bakit na naman, Madison?" malumanay kong saad.

The Day The Sun Came Out (The Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon