Fetch
Hindi ko inaasahang maabutan kong nakasandal si Freyr sa labas ng restroom sa first floor ng building namin nang bumaba ako. Akala ko kase ay naglulunch pa rin ito ngayon. At ngayon ang unang beses na napunta siya rito sa building naming malayo sa building nila o sa school garden.
"Freyr."
Agad siyang umayos ng tayo at sinalubong ako.
"Samahan na kita papunta sa library," anito.
Hindi ako umimik at hinayaan siyang sumabay sa'kin sa paglalakad papuntang library. Eleven thirthy ang lunch break namin. Dahil may duty pa ako sa library ay nagpaalam na ako sa kanila ni Daphne na mauuna ako, isa pa ay patapos na rin ang discussion nila tungkol sa topic namin.
Binalingan ko ng tingin si Freyr habang naglalakad nang may maalala akong dapat sabihin sa kanya.
"Hindi na ako pinapakialaman nila Madison," I said.
Tumigil sa paglalakad si Freyr at seryosong humarap sa'kin.
"Paanong hindi?" He pursed his lips.
"Hindi na tulad ng dati na may ginagawa siyang masama sa'kin." Siguro ay natakot na siya sa ginawa nila Bins o sa presensya ni Freyr kaya ganoon.
"Mabuti naman." Nagpatuloy sa paglalakad si Freyr. Tumuloy na rin ako.
"You can stop protecting me now," mahina kong saad ngunit maririnig pa rin iyon ni Freyr.
Hindi nagsalita si Freyr. Umakto ito na parang walang narinig at nagpatuloy lang sa paglalakad. Baka siguro hindi niya talaga ako narinig dahil maingay sa paligid. Lalo na at nasa harap na kami ng admin building kung saan marami ngayon ang tumatambay sa waiting shed at nagkekwentuhan.
Magkasabay pa rin kami ni Freyr hanggang makarating kami sa library.
"Dito na ako."
As usual ay nakasuob ang dalawang kamay ni Freyr sa hoodie niya. Mukhang hindi pa nga siya naiinitan na suot ito kahit tanghali na ngayon.
"I still want to protect you, Yeuxia."
Naiwan akong nakaawang ang bibig sa harap ng library nang nagpaalam nang umalis si Freyr. I was lost in daze for a moment. I can hear my heart beating loudly inside my chest.
Nabalik ako sa wisyo nang maramdaman kong may umakbay sa'kin. Nalunok ako para basain ang lalamunan kong pakiramdam ko ay tumuyo bigla.
"Hi, my loves!" Hindi nga ako nagkakamali na si Kier ito.
Mabilis akong nakabawi kaya ngumiti ako sa kanya at magkasabay kaming gumayak papasok ng library. Dalawa lang ang tao ngayon sa loob na estudyante.
"Si Freyr ba 'yon, Yeux?" tanong ni Fiona nang nagsimula kaming mag-ayos sa isang cabinet. Siguro ay nakita niyang kasama ko si Freyr kanina.
"Hindi ba talaga kayo magjowa? Ang lakas ng amats eh, ngayon kahit tanghali hinahatid ka na."
Umiling ako kay Fiona. Pero ngayon kase ang unang beses na hinatid ako ni Freyr nang tanghali rito sa library kahit hindi naman niya kailangan.
Kumunot ang noo ni Fiona sa'kin. "Nga pala, ba't wala ka kanina sa school garden?"
"Sa room ako naglunch," aniko na tinanguan naman niya.
Ngunit ilang sandali ay gulat na ekspresyon ang pinakita ni Fiona. "May mga kaibigan ka na sa mga kaklase mo?" excited nitong tanong.
Agaran akong umiling. "May school project lang na kailangan gawin."
BINABASA MO ANG
The Day The Sun Came Out (The Trilogy #1)
JugendliteraturThe Trilogy #1 Yeuxia is bullied. Freyr is a bully. Yeuxia is smart and an achiever. Freyr comes from the lowest section of their batch. Yeuxia has no friends. Freyr has. Yeuxia gets lost in the thoughts of her dreams. Freyr gets lost in the mystery...