Chapter 34

35 4 0
                                    

Graduates

"Ayusin muna natin 'to."

Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko nang ayusin na naman ulit ni Mama ang dress ko. Malawak ang ngiti nito at tila aliw na aliw sa ginagawa.

"Ma, kanina mo pa 'yan inaayos!"

"Hayaan mo na, Yoyo."

Ngumiti nang malapad si Mama sa akin nang inayos nito ang tayo. Natawa ako nang huminga siya nang malalim. I reached for her hands.

"Ma, kinakabahan ka ba?" I teased.

"Excited lang ako, Yoyo," she answered. "Eto na eh! Nandito na tayo!"

Niyakap ko siya nang tuluyan siyang umiyak. I folded my lips. Hindi ako pwedeng umiyak dahil masisira ang make-up ko.

"Tita! Yeuxia! Huwag muna kayo mag-iyakan!"

Naghiwalay kami ni Mama nang lumapit sa amin si Fiona. Magkasalubong ang dalawang kilay nito habang tinitignan ang kabuuan ng mukha ko.

"Mamaya ka na umiyak, Yeux. Sayang ang effort ko," ani Fiona. Nginitian ko siya at tumango.

"Ang ganda ganda mo pa naman," puri niya. "Nanggigigil tuloy ako!"

I chuckled. Hinayaan ko si Fiona nang iretouch nito ang lipstick ko. Dinagdagan niya rin ang kay Mama kaya tuwang tuwa tuloy siya. Hinahayaan lang din naman siya ni Mama dahil sa sobrang excited nito. Natutuwa akong pinapanuod silang dalawa.

"Tapos na ba kayo?" tanong ni Dean nang pumasok siya sa loob ng bahay namin.

Ngumiti ako nang magtagpo ang mga mata namin. Itim na itim na ngayon ang nakaayos niyang buhok. Nakasuot siya ng black na long sleve polo na nakabukas ang tatlong botones. Nakakapanibago na makita siyang ganito pumorma. Ano pa kaya kapag makikita ko sila Freyr mamaya.

Iniligpit ni Fiona ang mga gamit niya bago lingunin ang boyfriend. Lumiwanag ang mata nito habang titig na titig sa lalaki. "Lee Min Ho?"

"Lee-bag kamo!"

Sinamaan ng tingin ni Fiona si Bins na bigla na lang pumasok sa bahay. Tumawa ito nang malakas dahil hindi siya naabot ni Dean nang babatukan siya sana nito.

"Hi, Tita, ang ganda mo lalo ngayon," bola ni Bins nang nilapitan niya si Mama. Hinalikan pa niya ito sa cheeks.

Bins is wearing a white button down polo with a red tie. Pormang porma siya sa ayos niya ngayon. Nakagel pa ang buhok nito. He widely smiled at me nang bumeso siya sa akin.

"Ano pang hinihintay natin! Tara na!" Tumayo si Mama at kinuha ang bag niya sa sofa.

Natawa kami ni Fiona nang naunang lumabas si Mama na pinagbuksan ni Dean ng pinto. Kumapit sa akin si Fiona at sabay kaming lumabas. Si Bins na ang naglock ng bahay.

Isang van ang nakaparada sa labas ng bahay. Binuksan ni Dean ang pinto at unang pumasok si Mama. Sa passenger seat umupo si Fiona. Pinagitnaan naman ako nila Mama at Bins.

Malakas ang kabog ng puso ko habang tinatahak namin ang pamilyar na daan papunta sa school.

"Nandoon na ba sila Joseph?" tanong ko kay Bins.

Tumango ito at binaba ang cellphone kung saan may katext siya. "Nauna na, naghihintay na rin doon si Freyr."

Parang tumalon ang puso ko sa narinig. Excited ako na masaya. Sobrang saya dahil sa ganap ngayong araw na 'to.

Si Freyr ang bumukas ng pintuan ng back seat nang makarating kami sa parking lot. Halos puno ang buong parking lot ng mga sasakyan.

Tumaas ang sulok ng labi ni Freyr nang iabot nito ang kamay sa akin. Titig na titig lang ako sa kanya sabay ng paghawak ko sa kamay niya. I guess he got a fresh haircut. Bagay na bagay sa kanya ang two block hairstyle. What made it more pleasing is a small silver piercing on his left ear.

The Day The Sun Came Out (The Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon