Chapter 8

124 4 0
                                    

Winner

Walang imik akong bumitaw kay Freyr nang maiyak ko ang lahat. Nauna akong lumabas mula sa C.R. at pinahiran ang namamasa ko pang mukha.

Napatingin ako kay Freyr nang nilahad nito sa'kin ang isang hoodie. Ngayon ko lang napansin na tanging t-shirt lang pala ang suot niya. Siguro kaya siya naiwan sa C.R. para kunin ang hoodie sa bag niya.

Kinuha ko sa kaniya ang hoodie. Hinubad ko ang bag at ilalapag sana sa kalsada nang nauna na niya itong kunin sa'kin. Hindi na ako umimik at sinuot na lang ang hoodie niya.

I felt warmer now, maya maya ay mawawala na rin ang panginginig ko.

"I'm sorry, Yeuxia."

Nakatingin sa mga mata ko si Freyr nang iabot niya sa'kin pabalik ang backpack ko. Iniwas ko ang mga mata at nauna nang naglakad.

Naguguluhan ako kung ano bang dapat na maramdaman. Siguro ay nasa state of shock pa ako ngayon kaya hindi ako makapag-isip nang maayos.

"Don't be sorry," wika ko sa kaniya.

Hindi ko kita kung ano ang naging reaksyon niya. Ilang sandali pa ay humabol siya sa'kin.

"It's my fault."

"How can you say? Sadyang masama lang talaga sila."

Mula sa kinaruruonan ko ay malapit na kami sa pinakahuling street light sa eskinitang nilalakaran namin ngayon. Natataw ko na ang mga kabahayan sa paligid ng bahay namin.

"We have a deal, Yeuxia." Tumango ako sa kaniya. Tama naman siya.

"And I should have been there as your friend."

Napatigil ako sa paglalakad dahil sa huling sinabi niya. I tilted my body only to face his shoulders.

"Ibabalik ko na lang sa lunes ang hoodie mo," wika ko.

Napabuntong hininga si Freyr. Humarap ito sa'kin. Kita ko pa rin ang pag-aalala at pagsisisi sa mukha niya.

I felt like my system felt warm with the expression that he was wearing. It's the first time that I see him like that. He is showing his emotions now, different from the usual blank space in his eyes. 

"Thank you, Freyr." 

Ngumiti ako sa kaniya. Still it's him who got me out there. Tumango siya at ginulo ang buhok gamit ang kanang kamay.

Masyado siyang nakakapanibago ngayon. Pinagmasdan ko siya nang maigi. Wala siyang kahit na anong tattoo sa katawan. Nang iangat ko ang tingin sa mukha niya ay tama nga akong tatlo na ngayon ang piercing na suot niya. Dalawa sa kaliwa at isa sa kanan.

Freyr has a fair complexion. He has brown almond-shaped eyes that are flickering with worry and regret. His nose is even in button. And attractive lips that I've noticed have a small cut and are swollen.

Sobrang isang buwan ko nang kilala si Freyr ngunit ngayon ko lang siya natitigan nang ganito. Ngayon ko lang napansin na he actually has soft features. Siguro ang matulin niyang pigura at ekspresyon ang nagpapadilim ng aura niya.

"Yeuxia?"

Napaatras ako sa bigla niyang pagtawag sa'kin. Napa-iling ako dahil sa ginawa. Hindi ko na pala napansin na kanina pa ako nakatitig sa kaniya.

The Day The Sun Came Out (The Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon